Mabilis labasan (3)

4 years ago 0 Comments

Itong kolum ay pumukaw sa sulat ni Ted (Abante, Marso 25 at 27) at para sa lahat ng lalaki na gustong matuto paaano tagalan ang kanilang pagsisiping.

Minamahal kong tagabasa:

Kung mahal mo ang partner mo — o kahit ‘di mo siya mahal, pero gusto mo siyang mag-enjoy sa inyong pagsisiping — si­yempre, gagawin mo ang lahat para maging masaya ang inyong pagsasama.

Ayon sa mga pananaliksik, para sa mga lalaki, hindi kasing halaga ang katagalan ng pagsisiping — o ang katagalan ng pagroromansa — ang mahalaga ay kung labasan siya nang matindi at malakas. Pero para sa babae, mahalaga na matagal ang pagsisi­ping at ang pagroromansa dahil, para sa karamihan ng mga lalaki at babae, totoo ang sumusunod na kasabihan: Ang lalaki ay parang lighter, ang babae parang plantsa.

Ano ang ibig sabihin nito? Well, na ang karamihan ng mga lalaki ay mabilis magnasa (at handang magsiping kaagad), pero mabilis rin matupad ang kanilang pangangailangan. Kung sila ay makasarili, sapat na sa kanila na sila ay masiyahan at bahala na ang partner nila.

Salamat sa Diyos na hindi lahat ng Pilipino ay ganyan. Sa katotohanan lang, sa higit na 18 taon na nagsusulat ako para sa Abante, naobserbahan ko ang pagkakaiba ng mga nagsusulat ngayon at ang mga nagsusulat nang una pa akong nagsulat (2000-2001). Parang mas mapagbigay ang mga lalaking nagsusulat ngayon; at mas maalahanin rin sila.

Bakit ko nasabi ‘yun? Kasi, nu’ng umpisa, ang pinakamadalas tanungin ng mga lalaki sa Abante ay tungkol sa erectile dysfunction (ed, hindi tumitigas ang ari). Ngayon, mas maraming nagtatanong tungkol sa premature ejaculation (pe, sobrang bilis labasan). Ano ang ibig sabihin nito? TO BE CONTINUED

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

Source From:https://www.abante.com.ph/mabilis-labasan-3.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi