Macalintal: Baril ‘di kailangan para makipaglaban sa China

4 years ago 0 Comments

Nakatikim ang dating PNP chief na si Bato Dela Rosa ng pambabara mula sa beteranong abogado na si Romy Macalintal sa kainitan ng debate ng mga kandidato para Senado kamakailan.

Dahil tila naiipit na si Bato sa mga banat ng mga kandidato ng Otso Diretso sa mga polisiya ng administrasyon na pabor sa China, hinamon na lamang niya ang mga kandidato ng oposisyon na lumaban sa China gamit ang baril at balang ibibigay niya sa mga ito.

Ngunit agad itong sinagot ni MacaRomy at sinabing hindi kailangan ng armas para tunay na ipaglaban ang kasarinlan ng bansa, lalo na sa gitna ng pagtatangka ng Tsina na sakupin ang mga teritor­yo ng Pilipinas.

“Hindi natin kaila­ngan ng baril, hindi natin kailangan ng bala para tayo makipaglaban! Dapat lamang ta­yong marinig ng buong pamahalaan,” aniya.

Binara din niya si Bato noong binanatan niya ang oposisyon na puro reklamo sa isyu ng West Philippine Sea kahit hindi ito nanghihingi ng mga kopya ng kontrata ng administrasyon kasama ang Tsina para malinaw ang isyu.

Sinabi ito ni Bato matapos sabihin ng kandidato rin ng Otso Diretso na si Gary Alejano na siya ay paulit-ulit nanghingi ng dokumento mula sa Department of Finance ng kopya ng mga loan contracts ngunit hindi siya sinasagot nito.

Kaya naman sagot ni MacaRomy, hindi na dapat hintayin ng mga Pilipino na matapos ang kontrata bago kuwestiyunin ang intensyon nito para sa bansa.

Source From:https://www.abante.com.ph/macalintal-baril-di-kailangan-para-makipaglaban-sa-china.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi