SAKALING magdeklara ng revolutionary government si Pangulong Rodrigo Duterte, si Vice President Leni Robredo na ang hahalili sa kanya at tatayo bilang pangulo ng bansa.
Ito ang nilinaw ng senatorial bet ng Otso Diretso na si Atty. Romulo ‘MacaRomy’ Macalintal matapos magbantang muli ang Pangulo na magdedeklara ng revolutionary war at kanyang sususpindihin ang writ of habeas corpus para ipakulong ang lahat ng kanyang mga kritiko.
“Kapag ako ang pinaabot ninyo ng sagad, I will declare a suspension of writ of habeas corpus and I will arrest all of you. Isama ko kayo sa mga kriminal, rebelde, pati durugista,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati noong Huwebes.
Pero pinaliwanag ng beteranong abogadong si Macalintal na ang aksyong ito ay awtomatikong maglalagay kay Robredo bilang pangulo ng democratic government habang si Duterte ang magiging lider ng revolutionary government na kanyang idedeklara.
Idiniin ni Macalintal na ito ay dahil hindi dapat tungkulin ng Pangulo na magdeklara ng revolutionary government. Sa halip, dapat siya ang nagpoprotekta sa anumang pagkilos na magpapatumba ng gobyerno.
“If President Duterte really declares a revolutionary government, then it will be a show of force between his government and the government led by Robredo, being the successor President of a democratic government,” paliwanag ni Macalintal.
Source From:https://www.abante.com.ph/macalintal-hindi-trabaho-ni-duterte-magdeklara-ng-revgov.htm