Macalintal: Korap, sinungaling na kandidato huwag iboto

4 years ago 0 Comments

NANAWAGAN ang Otso Diretso senatorial candidate na si Atty. Romulo “MacaRomy” Macalintal sa mga botante na ihalal sa Senado ang mga kandidatong walang bahid ng korapsyon, hindi sangkot sa pagnanakaw, at hindi nagsisinungaling sa harap ng taumbayan sa kung anumang isyu gaya na lang ng diploma sa eskuwelahan.

Ayon kay MacaRomy, pangarap niya ang isang Senado “na hindi pinag-aawayan ng mga senador ang pork barrel, ang kaban ng bansa, at binubuo ng mga senador na may mga tunay na diploma sa eskuwelahan”.

Para kay MacaRomy, hindi makatarungan para sa mga Pilipino na sila ay pamunuan ng mga senador na may kasaysayan ng pagnanakaw at pagsisinu­ngaling.

“Hindi natin kaila­ngan ng mga ganyang senador sapagkat kung sa ganyang bagay ay hindi sila mapagkaka­tiwalaan, paaano pa kaya sa bilyon-bilyong pera ng bayan?” wika ng beteranong election lawyer.

Tila patutsada ito sa ilang mga kandidato ng administrasyon na kamakailan ay na-isyu dahil sa pekeng diploma sa kolehiyo. Pinabulaananan ng mga prestihiyosong unibersidad na nakapagtapos sa kanilang mga institus­yon si Ilocos Governor Imee Marcos, na nga­yon ay tumatakbo pagka-senador sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Kabilang din sa HNP ang mga dati nang nakulong na senador na si Bong Revilla at Jinggoy Estrada dahil sa diumano’y pagtanggap nila ng milyon-milyong kickback mula sa pork barrel racket ng negos­yanteng si Janet Lim-Napoles.

Kaya paliwanag ni MacaRomy, tumakbo siya para sa Senado dahil sa pangarap niya na ang Senado ay buuin ng mga opisyal na matapat, may malasakit, at maghahain ng mga batas na talagang makabubuti sa bansa.

Source From:https://www.abante.com.ph/macalintal-korap-sinungaling-na-kandidato-huwag-iboto.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi