Mag-asawa tinodas ng lasing na kapitbahay

3 years ago 0 Comments

PATAY ang mag-asawa matapos na pagbabarilin ng kanilang kapitbahay sa bayan ng Balud, Masbate.

Parehong dead on-the-spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-asawang biktima na nakilalang sina Ronald, 39, at Gloria Villaruel, 37, pawang residente ng Brgy. Tonga ng nabatid na bayan.

Tinutugis na ng awtoridad ang tumakas na suspek na si Lindo Relox, 68, negosyante, at pansamantalang naninirahan sa lugar ng mga biktima.

Alas-9:50 Lunes nang gabi nang mangyari ang insidente sa harapan ng bahay ng mag-asawa habang nag-iinuman ang ilang miyembro ng pamilya.

Dumating umano ang suspek na lasing at nagsimulang makipagtalo sa biktimang si Ronald.

Sinubukan namang awatin ni Gloria ang asawa at suspek subalit lingid sa kanilang kaalaman ay mayroon pala itong baril na kinuha nito sa tagiliran at pinagbabaril ang mag-asawa. (Edwin Balasa)

Source From:https://www.abante.com.ph/mag-asawa-tinodas-ng-lasing-na-kapitbahay.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi