Ginawaran ng Canadian authorities ng asylum ang isang Pinay at kanyang anak na kumupkop kay Edward Snowden sa Hong Kong matapos mag-leak ang mga classified document sa US surveillance program noong 2013 ang ex-NSA (National Security Agency) contractor.
Ang desisyon ay nagpahintulot sa Pinay na si Vanessa Rodel at 7-anyos na anak na si Keana na umalis ng Hong Kong matapos na manirahan sa lungsod nang walang proper legal status.
“I’m truly happy,” ani Rodel. “I’m so excited. I can’t sleep.”
Si Rodel at dalawang pamilyang Sri Lankan ay umalalay kay Snowden matapos itong magpakita sa publiko noong 2013.
Sa ngayon tanging sina Rodel at anak na si Keana ang binigyan ng asylum sa Canada.
Umaasa si Rodel na siya at kanyang anak sa Canada ay matututo ng French, makabili ng bahay at makapag-enrol sa unibersidad.
Source From:https://www.abante.com.ph/mag-inang-pilipino-binigyan-ng-asylum-sa-canada.htm