Magagandang trabaho sa BPO

5 years ago 0 Comments

Isa po sa mga industriya na madaling pasukan ng mga fresh graduate sa kolehiyo, tech-voc o senior high school man ay ang Business Process Outsourcing o BPO industry.

Hindi lang po pagi­ging call center agent ang trabaho sa BPO. Ayon sa Bill Gosling Outsourcing, maaari pong i-outsource ang human resource, accounting, customer service, quality assurance, IT support, strategic planning, at iba pa.

Ayon naman po sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines o IT-BPAP, lolobo po sa tinatayang 1.8 milyon ang mga BPO worker sa 2022; at mula 47% noong 2016 magiging 27% na lamang sa 2022 ang low skill jobs, o trabahong sumusunod lang sa instructions o procedures tulad ng customer care.

Tataas naman po mula 38% noong 2016 sa 46% sa 2022 ang mid skill jobs kung saan kailangang may expertise ang empleyado sa linya ng trabaho tulad ng health assistance.

Tataas din po mula 15% noong 2016 sa 27% sa 2022 ang mga high skill job kung saan mataas dapat ang expertise ng empleyado tulad ng computer programming. ‘Di hamak na mas mataas po ang sahod ng mga higher skill job.

Ayon po sa pag-aaral ng Employers Confederation Of The Philippines, aabot sa P30,000 kung rank-and-file employee hanggang P75,000 kung executive level position kada buwan ang average na sahod sa BPO.

Isang solusyon po ang isinulong nating “Tulong-Trabaho Act” o RA 11230 na magbibigay daan sa dagdag na pondo para sa patuloy na pagsasanay ng mga manggagawa lalo na sa BPO na key employment generating sector.

Makakatulong po ang Tulong-Trabaho Act para sa upskilling at cross-skilling ng mga existing BPO worker para makasabay sila sa agos ng pagbabago sa BPO industry.

Ngayon pong panahon ng graduation sa kolehiyo at senior high school, dapat pagtuunan ng pansin ng ating mga education agency ang kurikulum na ipinatutupad sa ating mga paaralan.

Nakasaad po sa JobsFit 2022 Labor Market Information Report ng DOLE na noong 2016-2017, sa bawat 100 naghahanap ng trabaho, 96 ang fresh graduate at walang work experience kaya’t nahihirapang magkatrabaho.

Nasa Pilipinas po ang 18% ng kabuuang outsourced services sa buong mundo. Pumapangalawa naman po ang Maynila sa Top 100 Super Cities ranking para sa outsourcing. Naungusan na rin po ng Pilipinas ang India bilang world leader sa BPO industry.

Magpapatuloy po ang magagandang trabaho sa BPO kung akma ang training at patuloy na pinapaunlad ng mga Pilipino ang kanilang kakayahan.

Job Fair Schedule
DepEd Bukidnon SHS Job Fair
Sumpong, Malaybalay, Bukidnon
April 8

CGU-Cauayan City Job Fair
SM City Cauayan, Isabela
April 9

19th Kaligaon Festival Job Fair
Dona Maxima, San Luis, Agusan del Sur
April 10

PG-Camarines Norte Job Fair
Little Theater, Provincial Capitol Compound
Daet, Camarines Norte

([email protected])

Source From:https://www.abante.com.ph/magagandang-trabaho-sa-bpo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi