Magandang general’s daughter nadale ng general

4 years ago 0 Comments

Alam niyo bang parang teleserye ang illicit love affair ng lover boy na opisyal ng PNP na dati nang nakaladkad sa kontrobersiya at nga­yon ay may bago na namang kinasasangkutan.

Ayon sa aking bubwit, General’s Daughter na maganda, matangkad at sexy ang bagong chiching ng kontrobersyal na Sir sa PNP, para ba itong ‘The General’s Daughter’ ng kapamilya network pero medyo malayo yata dito ang kuwento sa teleserye ni Angel Locsin.

Calling PNP chief Oscar Albayalde basahin niyo po ito at titillating ang kuwento ng isa sa mga bata mo. Hindi na bago si Sir sa kontrobersiya lalo’t pangatlo na ito sa kanyang conquests. Una ay nang awayin niya noon ang congressman sa isang hotel sa Southern Phils. dahil sa reporter niyang girlfriend. Naaalala niyo ba ‘to?.

Pangalawa ay nang pakasalanan niya ang babaeng nagpainterbyu sa isang tv network na nagbantang kakasuhan siya ng pag­labag sa Women & Child Abuse Law kapag hindi siya pinakasalan. Naipit si Sir dito kaya pinakasalan ang babae para manahimik.

Ngayon, iniiwasan na ni Sir ang asawa niya na ang reputasyon sa Crame ay mataray at nakikialam sa trabaho ni Sir. Tinataguan ni Sir ang asawa niya dahil mukhang nagsasama na sila ng General’s Daughter na pretty, matangkad at sexy. Hindi na niya pinapansin ang asawa, naku sir paano ‘pag naghuramentado na naman ang asawa niyo at manghingi ng tulong sa media gaya ng ginawa niya sa iyo noon.

Ang General Sir na nasa gitna ngayon ng illicit love affair sa isang General’s Daughter na usap-usapan na sa maraming sulok sa Camp Crame ay si Ge­neral L as in ‘lover boy’.

Source From:https://www.abante.com.ph/magandang-generals-daughter-nadale-ng-general.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi