Magpaparehab: Robin isinugod sa ospital

3 years ago 0 Comments

Ang magpa-rehab ng kanyang likod ang isa sa mga New Year’s resolution ni Robin Padilla, matapos siyang ma-confine sa Jesus Delgado Hospital nitong Bagong Taon.

Kahapon ay ipinoste ni Robin ang kanyang mga larawan sa Instagram na kuha sa ospital at kasama ang ilang mga nurse at staff na nag-aasikaso sa kanya. Ayon kay ­Robin, isang infection ang ­tumama sa kanya kaya isinugod siya sa ­ospital at nag-Bagong Taon na malayo sa kanyang ­asawa at mga anak.

Dito binanggit ng aktor ang plano niyang pagpapa-rehab ng kanyang likod para maibsan ang matinding pana­nakit nito.

Nagpasalamat si Robin sa mga staff ng ospital at ganundin kay Sen. Bong Go na dumalaw sa kanya sa pagamutan. Sabi niya, malaking bagay ang pagbisita sa kanya ni Senador Go na pinasaya at pinatawa raw siya nang husto.

***
Ice Seguerra inatake ng hika

Si Ice Seguerra naman, nakaposte sa Instagram niya ang larawan niya na mayroon siyang oxygen mask sa bibig. Hika naman ang umatake sa acoustic singer.

“I’m a very good patient, right Lablab? Liza Diño-Seguerra,” sabi ni Ice.

“Oo naman, baby damulag!” sagot ni Liza.

Kakaaliw sila, di ba?

***
Andi proud sa kulubot na tiyan

Hindi pa ganap na bumabalik sa dati ang balat ni Andi Eigenamann, at makikita ‘yon sa pagbalandra niya ng kanyang larawan sa Ins­tagram na lantad ang kanyang tiyan, katawan.

Isang high-waist two piece bikini ang suot ni Andi. At sa caption ay ibinalita niya na ­umabot na sa 1 milyon ang views ng vlog niya.

Sa larawan kahit lagpas hanggang pusod ang suot na bikini bottom ni Andi, hindi pa rin naitago ang kulubot ng kanyang tiyan mula sa kanyang pagbubuntis sa bunso niya.

Kitang-kita na hindi pa bumabalik sa dating texture ang kanyang balat, sa kuluntoy ­nitong tyan. Kunsabagay, ­kahit naman noong nagbubuntis pa ito ay hindi naman alintana ni Andi ang mga stretch mark sa tiyan.

Ngayon pang dalawa na ang anak niya, mas lalong naging deadma si Andi sa kanyang ­itsura.

Isang matatawag na inspirasyon si Andi ng mga kababaihan na may ganitong balat, na nahihiyang ipakita sa publiko ang kanilang katawan. Na kung isa kang ina, wala kang dapat ikahiya, ha!

Source From:https://www.abante.com.ph/magpaparehab-robin-isinugod-sa-ospital.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi