Maguindanao vice mayor sugatan, 2 aide patay sa ambush

3 years ago 0 Comments

TINAMBANGAN ng tatlong hindi pa kilalang sa­larin ang bise alkalde ng bayan ng Sharifff Aguak sa lalawigan ng Maguin­danao na nagtamo ng sugat habang patay ang dala­wang aide nito, Martes nang hapon sa nabatid na bayan.

Ligtas na ang kalaga­yan ni Vice Mayor Akmad Mitra Ampatuan, makaraang paulanan ng bala ang sinasakyang nitong Toyota Innova.

Nabatid na mismong ang bise alkalde ang nagmamaneho ng sasakyan nang sabayan sila ng pu­ting multicab at dalawa sa tatlong sakay nito ang namaril.

Nakuha namang protektahan ng dalawang aide si vice mayor Ampa­tuan kaya ang mga ito ang napurulan. Isa ang agad na binawian ng buhay habang ang isa ay hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

Ayon naman kay PCol. Arnold Santiago, Maguindanao Provincial Police Office director, tila nalusutan ang mga awtoridad dahil ang pinangyarihan ng pananambang ay malapit sa dalawang military outpost.

Si Vice Mayor Ampa­tuan ay dating malapit kay yumaong Maguinda­nao Governor Datu Andal Ampatuan Sr., na nasangkot sa 2009 Maguindanao massacre.

Umanib siya kalaunan kay Maguindanao 2nd District Rep. Esmael Toto Mangudadatu, ang target ng pinakamarahas na election-related violence sa bansa. (Edwin Balasa)

Source From:https://www.abante.com.ph/maguindanao-vice-mayor-sugatan-2-aide-patay-sa-ambush.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi