Mahusay mang-akit: Barbie makalaglag-brief ang kaseksihan

3 years ago 0 Comments

Pinatunayan ni ­Barbie Imperial na may karapatan siyang maging calendar girl. Na hindi totoo ang suspetsa ng iba na bata pa, o bubot pa ang kanyang kaseksihan.

Marami nga kasi ang nagsasabi, na dahil bata nilang nakilala si Barbie, kaya hanggang ngayon ay mukha pa rin itong bata, at mahirap pagpantasyahan.

Pero, mali nga ang tingin na ‘yon sa kanya. Dahil anim na taon na nga sa showbiz si Barbie. Hindi na siya kinse anyos na tulad nga nu’ng una siyang lumabas sa PBB.

At kung kaseksihan, kagandahan ng katawan, ng mukha, at kakinisan din lang ang pag-uusapan, isabay mo pa ang tapang niya sa pagpapasilip, dahil may ipagmamalaki naman talaga siya, walang duda, pinakamabenta nga siyang calendar girl ngayong 2020.

Sa Instagram nga ay inilantad ni Barbie ang napakainis niyang balat, suot ang 2 piece bikini na bagay na bagay sa kulay niya. Para ka ngang tumi­tingin sa makinis na labanos, dahil sa ganda at klaro ng kutis niya.

Eh, ang bongga rin ng anggulo niya, dahil kitang-kita ang busog na busog niyang boobs, ha!

“Sky above, sand below, peace within,” ang simpleng chika ni Barbie sa sexy photo niya.

Eh, ang ­husay na ring mag-emote ng dalaga. Magaling na ring maglaro ng mukha, para masigurado niyang maaakit sa kanya ang mga male ­follower niya.
Kaya sabi ni m_g10141523: “Wow! Sexy naman, love it.”

At hirit ng orig na sexy star na si Ara Mina, “So sexy naman my Bie.”

Aba, bagay ngang ­sumunod sa yapak ni Ara si Barbie, na itinuturing ­niyang anak, ha! And why not? ­Mabigyan lang si Barbie ng role sa pelikula na tulad ng mga ­ibinigay na role kay Ara noon, sure ako na biglang aangat ang career ng batang ito.

Sabi nga ni john_abaga34: “You are blessed! Beautiful body & attitude plus kindness from the heart.”

Oh, ‘di ba? Sabi nga ng mga boylet fan niya, ­makalaglagy-brief ang idolo nila, kaya naman nagkandarapa sila ngayon sa paghahanap ng kalendaryo nito, ha!

‘Tala’ ni Sarah sabay-sabay na isinayaw sa buong Pilpinas

Libu-libong tao nga ang su­mabay kay Sarah Geronimo kahapon sa pagsa­yaw ng Tala sa ASAP ng ABS-CBN.

Ang bongga nga na kahit saang sulok ng Pilipinas ay makikita mo na umiindak na tulad ng galaw ni Sarah sa tugtog na Tala.

Imagine, sumabay sa pagsayaw ang mga ­taga-Baguio, Bacolod, Iloilo, Bicol Region, Butuan, Davao, at Cebu. At libu-libo rin ang nagpunta sa bakuran ng Channel 2 para makiindak kay Sarah.

First time nga raw nangyari ito na ang flash mob ay nangyari sa iba’t ibang panig ng ­Pilipinas, ha! At si Sarah lang ang nakagawa ­niyan, ha!
Heto nga ang iba’t ibang reaksiyon ng mga netizen:

“Tala all over the Philippines. Historic only SarahG can do that. #TalaNation.”

“These people are so lucky to dance with the one and only SarahG. I know you will give your best shot!”

@babesmared: “­Sarah G is probably, the biggest TALA the past decade has produced. #TalaNation.”

@joceffvan “Sarah G in the flesh. Then, there’s ­Darren trying his Tala moves. #Tala­Nation #Tala­Dance­Chal­lenge A­SAP­OFFI­CIAL rehear­sal.”

Well, ang suwerte rin ng mga tao na nagsayaw at ­nag-viral, ­dahil nakatabi nila mismo si Sarah ­kahapon, ­habang ­sinasayaw ang Tala.

Source From:https://www.abante.com.ph/mahusay-mang-akit-barbie-makalaglag-brief-ang-kaseksihan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi