Pinagkakitaan na ang boses ni Maine Mendoza After two years, inilabas na ng Universal Records ang una niyang single na Parang Kailan Lang.
In fairness kinagat naman ng fans ni Meng ang bago niyang single. Una siyang nag-record nang kantahin ang theme song ng pelikula ni Alden Richards na Imagine You & Me.
Ngayon kasi, requirement na ang pagiging multi-tasker sa mga baguhang artista. Bukod sa face value, kailangan marunong ka ring umarte, kumanta at sumayaw.
Nadu-doctor naman ang pagkanta ngayon. May mga dance workshop na rin.
Huwag lang pasukin ang hosting kung hindi talaga ito forte. Or else, babanatan ka ng mga social media trolls kung mali-mali ang diction at pronunciation, huh!
Ano pa ba ang kayang gawin ni Meng? Naku, marami pa dahil bata pa siya, huh!
Ay ngayong araw pala, March 3, ang 25th birthday ni Maine. Siyempre, waley na ‘yung pakilig nila ni Alden. Peaceful co-existence na lang ang samahan nila sa Eat Bulaga.
At least si Alden, may hit albums na, huh! So huwag matakot kumanta dahil iba na ngayon ang kalakaran. Kailangan mo lang ng maraming supporters para mag-hit ang singe o album mo.
Ang isa palang GMA artist na sumabak na rin sa pagkanta ay si Bianca Umali. Naunang pumasok sa pakanta ang rumored BF niyang si Ruru Madrid.
Source From:https://www.abante.com.ph/maine-alden-wala-nang-kilig-factor.htm