Maine gustong ma-lockdown kay Arjo

3 years ago 0 Comments

‘Yung ‘Sana All’ daw ba na comment ni Maine Mendoza sa Instagram post ni Oyo Sotto na “Ok na ako ma-lockdown” kasama ang misis niyang si Kristine Hermosa ay dahil gusto na rin niyang ma-lockdown? Oh, ‘di ba?

Ang taba ng utak ng mga fan talaga. Sabi nila, naku si Maine, bet na ring magpa-lockdown kay Arjo Atayde. Medyo inggit nga raw ito na lockdown na si Oyo kay Kristine, at bet na rin yata niyang i-lockdown, o ma-lockdown na kasama si Arjo.

Kaloka, ha! Pero, puwede rin naman ‘yung ‘Sana All’ na comment ni Maine ay para sa kagandahan ni Kristine. Na sana nga lahat maganda, ‘di ba? Anyway, dahil lockdown nga si Maine kasama ang pamilya niya, kaya ang panonood sa mga live Instagram story ng mga idolo niya tulad ni Chris ng Coldplay, ang ginagawa niya. Faney na faney talaga si Maine sa Coldplay. At sino ba ang hindi? Eh, ‘di ba nga? Kung saan-saan sumusugod si Maine mapanood lang ang Coldplay. (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/maine-gustong-ma-lockdown-kay-arjo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi