Maine madalas tumambay sa bahay ni Arjo

3 years ago 0 Comments

Dumalaw ako sa syuting ng pelikulang “Coming Home” na pinagbibidahan nina Sen. Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez. Nakita ko sa syuting sina Julian Estrada, Martin del Rosario at Ariella Arida.

Sa totoo lang, nakakatuwa ang kulitan nina Jinggoy at Sylvia na kung titingnan mo ay gamay na gamay na nila ang bawat isa. Panay ang biruan nila na walang pikunan.

Kuwento ni Sylvia, may upcoming pictorial siya para sa Beautederm, kaya nagda-diet siya. Pero hindi niya maiiwasan na hindi kumain sa set dahil panay ang kulit ni Jinggoy, tuwing nagpapabili ito ng kung ano-anong pagkain para sa mga artista.

Kahit daw siya natutulog ay gigisingin siya ng leading man niya para kumain ng mga inihanda ni Jinggoy. Kaya ang ending, sa halip na pumayat siya, lalo siyang tumataba dahil kay Jinggoy.

Wala na yatang pahinga si Sylvia dahil araw-araw ay may work siya. Hindi na nga raw sila nakakapag-usap ni Art Atayde na kanyang asawa.

Pero minsan lang daw naman dumating sa buhay niya na punong-puno ng schedule kaya she is making the most of it.

Close na close na nga ang pamilya ni Sylvia kay Maine Mendoza na current girlfriend ng anak niyang si Arjo. Kaya hindi na iba si Maine sa pamilya niya.

Maski si Arjo ay malapit at walang problema sa pamilya ni Maine. Sa katunayan ay umakyat ng ligaw si Arjo sa bahay nina Maine sa Bulacan noon. Kaya naman naging close si Arjo sa daddy ni Maine.

Hindi naman nawawala ang mga basher ng pamilya nina Arjo. Pero hindi na sila pinapatulan ni Sylvia.

Nag-react lang si Sylvia noon nang may death threat na sila mula sa mga fan ng AlDub. Siyempre bilang ina ay nag-aalala siya para kay Arjo.

Sa mga nakita namin na mga picture ay mukhang sina Arjo at Maine ang may perfect couple na posibleng magkatuluyan. At katunayan, madalas na ngang tumambay si Maine sa bahay nina Arjo.

Source From:https://www.abante.com.ph/maine-madalas-tumambay-sa-bahay-ni-arjo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi