Maine umuwi sa ‘Pinas para kay Arjo

5 years ago 0 Comments

Nasa Israel pa ang Dabarkads ng “Eat Bulaga,” pero wala na si Maine Mendoza, kaya may mga nagtatanong kung sumunod daw ba ang dalaga sa parents nito na balitang nasa Italy naman.

Ayon sa lady big boss ng TAPE, Inc. na si Malou Choa-Fagar, may previous commitment daw si Maine, kaya nauna na itong bumalik ng Philippines.

May shooting daw ng isang project si Maine na noon pa naayos at hindi na puwedeng i-reschedule.

May mga maldita naman na ang sabi, a-attend daw kasi si Maine ng special screening kahapon ng “Bagman,” ang digital movie ni Arjo Atayde.

Pero ano naman kung um-attend nga si Maine, eh, hindi naman nila inililihim ni Arjo na may special something sila, ‘noh?!

Dapat bang diktahan si Maine sa gusto niyang gawin, eh, buhay niya ‘yon?!
At least, si Maine, napapanindigan ang mga desisyong ginagawa niya sa kanyang buhay, huh!

 

Rita, asawang
direktor ‘di apektado sa network war

Maganda rin ang set-up ng mag-asawang Rita Avila at Direk FM Reyes.

Si FM kasi ang isa sa dalawang direktor ng “Nang Ngumiti Ang Langit” (si Marinette Natividad-de Guzman ang isa pa) at si Rita naman ay nasa katapat nilang series sa GMA 7.

So, may tapatan ang mag-asawa.

Pero mukhang balewala naman ‘yon sa kanila dahil trabaho ‘yon at iba naman ang pagiging mag-asawa nila, huh!
Anyway, sa Monday pa lang ang pilot telecast ng “Nang Ngumiti Ang Langit,” pero ngayon pa lang ay milyones na ang nakapanood ng kanilang trailer at marami ang pumupuri roon.

Based nga pala sa trailer ng “Nang Ngumiti Ang Langit,” potential na sumikat ang bidang si Sophia Reola na gumaganap na Mikmik na inaapi ng character ni Cristine Reyes na si Katrina.

Marami nga pala ang nagulat na pumayag si Cristine na gumanap ng ganoong role na very kontrabida ang dating, huh!
Anyway, kung mala-kontrabida si Cristine sa “Nang Ngumiti Ang Langit,” very bida naman siya sa latest movie niya under Viva Films, ang “Maria.”

Kontrobersyal na aktor kinatatakutan

Dumalaw ang ilang non-showbiz friends ko sa isang out of town shooting kung saan kasama ang isang controversial actor na ilang beses nang nasangkot sa kung ano-anong gulo’t issue.

Panay ang tsika ni controversial actor sa babaeng anak ng isa sa friends ko na dumalaw roon.

Na-tension ang mother, kaya bigla siyang lumapit at ipinaalam sa controversial actor na anak niya ang kinakausap nito.

“Hindi na kasi niya tinantanan ng kakausap, mahirap pa, baka matulad ang anak ko sa ibang mga nagreklamo sa kanya noon,” sabi ng friend ko.

Well, mukhang sa rami nga ng issues in the past kay controversial actor ay hindi talaga maiiwasan na palagi siyang napagdududahan, huh!

I hope, in the future, mabalik pa ni controversial actor ang tiwala sa kanya ng mga tao!

JK Labajo ‘wanted’ sa Dubai

Alam mo, Dondon, while in Dubai, United Arab Emirates, panay ang tanong sa akin ng mga tao roon tungkol kay JK Labajo.

Noong nasa London, United Kingdom din ako, si JK din ang tinatanong sa kanya.

In fairness, dahil sa pagiging controversial (notorious daw sabi ng iba), lalong nakikilala itong si JK, huh!

Source From:https://www.abante.com.ph/maine-umuwi-sa-pinas-para-kay-arjo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi