Makabuluhang Kuwaresma

5 years ago 0 Comments

Isang Linggo na agad ang lumipas nang simulan natin ang Kuwaresma noong nakaraang Miyekoles (Ash Wednesday). Hinihingi ng panahon ang ating personal na ‘prog­rama’ o plano sa paanyaya ng Iglesia na gamitin ang 40 araw na ibinigay sa atin upang mas mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng paglalaan ng karagdagang oras sa panalangin at pagninilay.  

Sa mga araw na ito isinasaalang-alang natin ang pagpapakasakit at kamatayan ng Panginoong Hesus bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Mu­ling Pagkabuhay (Easter). Iminumungkahi ng Simbahan na ilagay natin ang sarili sa katahimikan upang makapag-isip isip at makapaghanda sa pakikiisa sa patuloy na gawain ng Diyos para sa kaligtasan ng tanan.

Dapat bigyang-pansin at sikapin tuwing Kuwaresma, importante ayon sa Simbahan na matugunan at masuklian natin ang pag-ibig na handog ng Ama sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na ating Tagapag­ligtas. Sa paghahandog ng bukas-loob at taos pusong pasasalamat lamang natin makakamit ang kaligayahan ng Pista ng Pagkabuhay. 

Noong Miyerkoles ng Abo, pinaalalahan tayo sa misa na isang ‘disiplina’ at panahon ng pagtitika ang Kuwaresma. Inaasahan na maglaan tayo ng takdang oras sa mga susunod na linggo para sa ‘fasting, prayer and almsgiving’ at mga bagay na magpapalalim ng ating relasyon sa Diyos. Layon nating mas mapalapit kay Kristo at mapanibago ang ating commitment. 

Ang Lent ay nakatuon sa angkop na pagsasaalang-alang sa mga paghihirap na pinagdaanan at tiniis ni Hesukristo dahil sa Kanyang labis na pagmamahal at malasakit sa atin. Sentro ng araw-araw na pagninilay tuwing Panahon ng Kuwaresma ang dakilang pag-ibig ng Diyos, ang malisiya ng kasalanan, at ang bagong ‘Batas ng Pag-big’ ni Hesukristo. 

Saad ng Simbahan, “Lent is a time of intense concentration on spiritual renewal. It is a period of preparation for Christ’s Resurrection through penance and prayer. Penance being abstinence not only from food but from everything that separates us from God and prayer with greater spiritual intensity, nourishment by God’s word and sacraments, increased reflection and conversation with God.” 

Ang ating puso ang puntirya ng nasabing disiplina na may pagtudla na maging makabuluhan at makatuturan ang ating ekspirensya- “not from the outside looking in but from the inside loo­king out to a world that does not know what Lent means: prayer, penance and sacrifice!” At the end of the journey, matututu­nan daw nating akapin ang ating mga krus sa buhay. 

Dapat nating planuhin nang maiigi kung anong espisipikong mga grasya ang nais nating makamit sa mga banal na gawain. Dalangin ng Simbahan na matutunan ng mga pananampalataya tuwing Kuwaresma “to walk with Jesus  in his Passion and Ressurrection, and to work on overcoming a tempatation that keeps us from fully entering into life with Christ.” 

Sikapin nating mas mapamahal sa Panginoon sa mga araw na ito at gamitin ang pagkaka­taong inilaan para sa mas malalim na selebrasyon ng Kanyang tagumpay. Panahon ang Kuwaresma ‘to go back to basics’ sa pamagitan ng pagpapanibago ng ating pananalig kay Lord upang makamit ang ‘renewal and forgiveness’ Sa pagsupil ng lahat ng hadlang sa ating kabanalan, sasaatin ang tunay na ligaya ng Mu­ling Pagkabuhay.

A blessed Lenten Season po sa inyong lahat!

Source From:https://www.abante.com.ph/makabuluhang-kuwaresma.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi