Makati, Maynila, Pasay, Taguig, Laguna mawawalan ng kuryente

3 years ago 0 Comments

DOBLENG pahirap ang nararanasan ngayon ng mga mamamayan dahil bukod sa krisis sa tubig ay mawawalan din ng kur­yente ang ilang lugar sa Metro ­Manila at karatig probinsya na nagsimula kahapon hanggang nga­yong weekend.

Makati City, mawawalan ngayon ng kuryente sa pagitan ng alas-10:00 AM at 4:00 PM ang mga sumusunod na lugar: Gen. Malvar St. mula Gen. Ricarte St. kasama ang Gen. Santos St. sa Brgy. South Cembo.

Maynila (Sampaloc at Sta. Cruz), March 17 (Linggo) sa pagitan ng 8:30 AM at 9:00 AM sa bahagi ng Dapitan at Padre Noval Sts. mula A.H. Lacson St. (Forbes) hanggang España Blvd.; Andalucia St. mula Remigio St. hanggang Valeriano Fugoso St., Sta. Cruz; kasama ang M. Natividad sa Sta. Cruz.

Pasay City, (Linggo) sa pagitan ng 8:30 AM at 8:59 AM; 2:00PM at 2:30PM sa bahagi ng F.B. Harrison St. malapit sa Sta. Escolastica St., kasama ang Roberts at Williams Sts.; David St. malapit sa F.B. Harrison hanggang Leverisa St. at Villaruel St.

Taguig City (Napindan), Linggo sa pagitan ng alas-10:00 AM at 4:00 PM.
Apektado ang bahagi ng M. Dela Paz St. malapit sa Labao Street.

Laguna, March 17, 2019, sa pagitan ng 1:00 AM at 6:00 PM, apek­tado ang Lt. Cosico Ave. mula Meralco-San Pablo Substation hanggang Colago Ave. sa city pro­per.

Source From:https://www.abante.com.ph/makati-maynila-pasay-taguig-laguna-mawawalan-ng-kuryente.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi