Makinis na bebot pinanggigilan ng obrero sa bus

3 years ago 0 Comments

HINDI napigilan ng isang karpintero ang kanyang sarili sa panggigigil sa katabi niyang maganda at makinis na pharmacist, kaya naman hinipuan niya ito sa maselang parte ng ibabang bahagi ng katawan sa loob ng pampasaherong bus sa Valenzuela City, kamakalawa nang gabi.

Resulta, kutos at sapok ang inabot ng suspek na si Lodgerio Navarte, 54, residente ng No. 6 Kabesang Porong Street, Barangay Punturin sa ilang pasahero ng bus na nagalit dahil sa kamanyakan nito.

Kuwento ng dalaga na hiniling na itago na lamang sa pa­ngalang ‘Daisy’, 31, pharmacist sa kilalang drug store company, sumakay siya sa bus sa SM North, Quezon City, patungong Malinta Exit, dakong alas-9:20 nang gabi, saan katabi nito sa upuan si Navarte.

“Panay ang tingin niya sa akin sa mukha tapos titingin siya sa legs ko, pero hindi ako nagpapahalata na napapansin ko na (suspek) siya ,” ani Daisy.

Pagsapit sa Valen­zuela Gateway Complex Terminal, Barangay Paso De Blas ng lungsod, pasimpleng ikinilos ng suspek ang kamay kung saan nahawakan ng una ang pagkababae ng dalaga.

Kahit galit na, binalewala ito ng dalaga at umurong na lang ng upuan, ngunit ganoon pa rin ang ginawa ng lalaki, kaya sa galit ng una, sinuntok nito sa mukha ang suspek saka humingi ng tulong sa kanyang kapwa pasahero.

Nahaharap sa kasong Act of Lasciviousness ang karpintero. (Orlan Linde)

Source From:https://www.abante.com.ph/makinis-na-bebot-pinanggigilan-ng-obrero-sa-bus.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi