Malabon mayor tinaningan ni Digong

4 years ago 0 Comments

BINIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang buwan si Malabon City Mayor Antolin Oreta III para linisin ang lungsod sa iligal na droga kung ayaw nitong maharap sa pag-aresto.

Ang ultimatum ng Pangulo sa alkalde ay ini­hayag nito sa campaign­ rally ng PDP-Laban sa Malabon City Martes nang gabi.

Hindi lingid sa Pangulo ang mabigat na problema sa iligal na droga sa Malabon City kaya’t inatasan nito ang alkalde na lutasin ang problema.

“Ganito ang Malabon ngayon. It’s your choice, pinili ninyo eh. Droga pinili ninyo. Mayor, linisin mo ang Malabon mo. Bigyan kita isang buwan. Pag hindi sabihin ko kay Ricky, sorry na lang ha pahuli ko yung mayor ninyo. Itapon ko sa Manila Bay,” anang Pangulo.

Markado sa Pangulo ang Malabon City batay na rin sa natatanggap nitong impormasyon sa mas pinaigting na anti-drug operations ng mga awtoridad.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nasa Malabon ang dalawa, subalit hindi tinukoy kung ang mga ito ay druglords o supplier ng iligal na droga.

“Gusto ko lang mag-iwan ng warning sa inyo. Ay iyang dalawa na yan nandito sa Malabon rin,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na hindi na nito kontrolado ang pagkalat ng iligal na droga dahil kahit pinapatay na ang mga sangkot sa illegal drug trade ay mas lalong tumindi pa ang problema.

Tinanggap naman ni Mayor Oreta ang pagka­bahala ni Pangulong Duterte sa problema sa iligal na droga sa Malabon City subalit nilinaw nito na hindi sila nagpapabaya sa kampanya laban sa iligal na droga.

“Even before the President declared his war against illegal drugs, Malabon City has been conducting its own anti-illegal drug campaign, and in recent years, our city was even recognized by no less than the Philippine Drug Enforcement Agency on multiple occasions,” ayon sa statement ng alkalde.

Aniya, 9 mula sa kabuuang 21 barangay­ ng Malabon ang drug cleared na at ang kanilang siyudad din ang may pinakamara­ming programa kontra sa paglaganap ng iligal­ na droga. (Aileen Taliping)­

Source From:https://www.abante.com.ph/malabon-mayor-tinaningan-ni-digong.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi