Malawakang drug test sa mga artista gawin agad ng PDEA

4 years ago 0 Comments

Naku, nakatataranta naman ang sinasabing 31 celebrities ang kasama sa bagong drug watch list ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency), huh! Siyempre, kanya-kanyang hulaan na naman kung sinu-sino ang 31 celebrities na ito?

Ang iba, idinadaan sa hitsura ng mga celebrity ang panghuhula. Pero paano kung puyat lang pala sa shooting o taping ang celebrity na ‘yon kaya ganoon ang hitsura? Paano nga naman kung dahil sa napakaraming trabaho ay parang nagda-drugs na ang dating? Well…

Ang talent manager cum showbiz columnist na si Manay Lolit Solis, willing daw na ipa-drug test ang kanyang mga talent kung sakaling kasama pala ang mga ito sa 31 celebrities na nasa drug watch list ng PDEA ngayon.

“Ok lang sa akin. Walang problema. Saka dapat mismong TV network, para matigil na ang ganyang mga hulaan kung sinu-sino ang nasa PDEA drug watchlist, puwede nilang ipa-drug test ang mga artista nila.

“Noon kasi, nang pinagdududahan ‘yung internet café na tinatambayan ni Mark (Herras) at ng ibang mga taga-Starstruck, ako mismo ang nagsama sa kanila sa Camp Crame para magpa-drug test. Kasama pa ni Mark ‘yung ibang mga taga-Starstruck.

“Kung wala naman ka­sing problema, ok lang na magpa-drug test, para matigil ang mga ganyan duda, ‘di ba?!” sabi ni Manay Lolit.

Sino pa kayang ibang talent managers na tutulad kay Manay Lolit na willing ipa-drug test ang kanilang mga talent?

‘Bituin’ ni Kyline hindi pa tsutsugiin

Nag-announce na ang GMA 7 na ang final timeslot ng bago nilang afternoon series na Bihag ay 3:25pm na right after Dragon Lady.

Teka! Bakit kaya biglang sa timeslot ng Inagaw Na Bituin ilalagay ang Bihag at ang afternoon series ni Kyline Alcantara ang ipapalit sa nabakanteng timeslot ng My Special Tatay (na nagtapos na kahapon)?

Hmph! May mga nang-iintriga pa naman na mahina raw ang Inagaw Na Bituin sa original timeslot niya na after Dragon Lady.

May nagkakalat pa nga ng intriga na tatapusin kaagad ang Inagaw Na Bituin at baka hindi raw maka-13 weeks, huh!

Inusisa ko ang isang taga-Kapuso network tungkol sa tsikang ‘yon, pero mukhang intriga lang daw dahil wala pa naman daw sinasabing ganoon ang management committee. Naku, sana naman huwag tsugihin kaagad ang series na ‘yon ni Kyline, ‘noh?!

Teka! Nasaan na ba ang milyun­-milyong followers ni Kyline sa social media, hindi ba sila nanonood ng afternoon series niya?

Anyway, itong Bihag naman nina Max Collins, Jason Abalos, Mark Herras, at iba pa ay mukhang promising naman, kaya sana ay mag-hit sila lalo na at maganda naman talaga ang feedback sa mga afternoon series ng Siyete, huh!

Source From:https://www.abante.com.ph/malawakang-drug-test-sa-mga-artista-gawin-agad-ng-pdea.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi