Lumabas sa Twitter feed namin ang tweet ng isang Popster o fan ni Sarah Geronimo. Dito namin naisip na ang mga fan pala, naghahanap din ng “stand” ng kanilang mga iniidolo pagdating sa mga usaping national issue at politika.
Kung sino ang ini-stan o sinusuportahan o pinaniniwalaan ng kanilang celebrity idol. Tulad nga ni @forresttark19 na nag-tweet at curious kung kailan daw makikita ang pagiging pilantropo ni Sarah at ano ang political side nito.
Naniniwala itong makatutulong si Sarah dahil sa malaki ang impluwensiya niya, lalo na sa libo-libo niyang tagahanga.
Sey ng fan sa tweet, “Kelan ko kaya makikita ang active philantropic and political side ni @justsarahG? Di ako susuko, sis. Lalabas ka rin at ipaglalaban ang mga Pilipino balang araw. Pero sana ang araw na ‘yon ay ngayon na. Magiging malaking tulong ka dahil milyun-milyong tao ang tumitingala sayo.”
Maraming nag-comment sa tweet na ‘yun ng fan. May kanya-kanya rin silang opinyon. May nagsabi na, kailangan daw bang ipakita ni Sarah na tumutulong ito, puwede naman daw patago?
Meron namang fan ni Sarah na kinaiinggitan naman daw ang very open and public na pagtulong ni Angel Locsin. Sabi ni @UGHXER, “win ko rin to e. Minsan naiinggit ako kay angel locsin hahaha sana all.”
Nanghihinayang naman ang isang fan. Sey nito, “Hope she can find her voice soon. Di naman kailangang maging sobrang vocal as opposition. Basta meron lang sya concrete advocacy. Sobrang sayang ng influence nya.”
Sabi naman ng ibang fan, “Mas pipiliin ni Sarah na magdasal para sa kabutihan ng nakararami.. mas powerful ang dasal..”
Pero dalawang aliw na comment ang nabasa namin.
Una, “Wala syang masyadong maitutulong. Wala sa kanya marami nyang pera.” Na sinundan pa ng isa pang comment na, “Mahirap namang mag advocacy tapos walang pambigay ng goods and cash.”
At yung comment ni @KweenSarita na, “She’d choose to be silent kasi baka magko-contradict sa political views ng asawa. Cheret.” Siyempre, ang tinutukoy ng fan ay ang mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli na open naman sa kanyang political side.
Megan, Alice nagturo sa tamang pag-iwas sa sakit
Hanggang ngayong gabi na lang pala mapapanood ang “fresh” episode pa rin ng teleserye ni Dingdong Dantes. Bukas ng gabi, simula na ng “Encantadia 2”.
Samantalang ang teleserye nina Barbie Forteza at Kate Valdez, hanggang kagabi na lang napanood at ang pumalit sa timeslot nito ay “Kambal, Karibal”.
Mukhang sa tatlong primetime series ng Kapuso network, ang teleserye nina Carla Abellana at Rhian Ramos ang maraming nakabangko dahil hanggang sa Biyernes pa ang last episode nito. Pero by Monday, papalitan na ng “My Husband’s Lover”.
So, puro reruns na ang mapapanood sa Kapuso. At dahil mga team bahay na rin ngayon ang lahat ng Kapuso stars, ilan sa kanila ay visible pa rin online.
Nagbahagi ng kaalaman kung paano maiiwasan ang paglaganap ng COVID-19 si Alice Dixson. Sa pag-e-exercise naman ginugol ni Megan Young ang first day ng community quarantine kasama ang kanyang asawa na si Mikael Daez.
Bilang doble pag-iingat na rin dahil nagdadalang-tao ang asawa na si Max Collins, naisipan ni Pancho Magno na sa paglilinis na lang ng kanilang tahanan gamitin ang kanilang oras.
Naaliw naman ang mga netizen kay Boobay kasama ang kaibigan na si Ate Guy nang i-recreate nila ang ilang classic Filipino films sa kanilang social media accounts.
Si Aiko Melendez ay nagpa-record din ng kanyang message sa IG nito. Habang ang iba, busy pa rin sa pag-TikTok.
Source From:https://www.abante.com.ph/malayo-kay-angel-popstar-walang-pera-para-tumulong.htm