Malaysian ni-rescue sa ASG, todas

3 years ago 0 Comments

NASAWI ang isang mangingisdang Malaysian matapos itong masagip ng mga awto­ridad mula sa pagkakabihag ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Sulu noong Abril 4.

Ayon kay Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, pumanaw ang biktimang si Jari Bin Abdullah, 34-an­yos, habang ginagamot sa West Metro Me­dical Center sa Zamboanga City.

Nabatid na tinamaan ng bala sa katawan si Abdullah habang isinasagawa ang rescue operation sa kanya ng mga elemento ng Philippine Marine Ready Force-Sulu sa Simusa Island, Banguingi, Sulu noong Abril 4.

“Abdullah’s death, caused by gunshot wounds inflicted by his captors during the rescue operation, was witnessed by his fami­ly, the Malaysian Consul General, and officials of the International Monitoring Team. Abdullah’s family executed a waiver consen­ting the removal of his life support,” paha­yag ni Besana. (Edwin Balasa)

Source From:https://www.abante.com.ph/malaysian-ni-rescue-sa-asg-todas.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi