Male celeb dinemanda ng sariling pamilya sa pangangamkam ng…

3 years ago 0 Comments

TOTOO palang lumalim na nang lumalim ang galit ng kanyang mga kapamilya sa isang popular na male personality. Wala siyang kakampi, lahat ng miyembro ng kanilang pamilya ay galit sa kanya, mag-isa nga lang sa kanyang laban ngayon ang guwapong aktor.

Sobrang clannish ang pamilya, laban kaninuman ay magkakakampi sila, pero dahil sa ginawa ng aktor sa kanilang ina ay wala siyang maaasahang suporta ngayon sa kanyang mga mahal sa buhay.

Kuwento ng isang source na may nalalaman sa senaryo, “Ewan naman kung bakit ginawang solohin ng male personality na ‘yun ang property na dapat, e, silang magkakapatid ang makikinabang?

“Kahit ang mga kamag-anak nila, e, windang na windang, hindi nila maintindihan kung bakit ginawa ‘yun ng male personality, samantalang malinaw naman sa kanya na hindi siya lang ang dapat makinabang sa property na pinakialaman niya!

“Nakakalungkot dahil super-close ang pamilyang ‘yun! Nagmamahalan silang magkakapatid, nagtutulungan sila, kaya nakakalungkot ang mga demandahang nangyayari ngayon sa family nila!” gulantang na reaksiyon ng impormante.

Impernes, nu’ng kumikita raw naman nang malaki ang male personality ay binabahaginan niya rin ang kanyang mga kapatid, hindi niya sinosolo lang ang mga biyayang tinatanggap niya.

Patuloy ng aming source, “Ganu’n sila nakilala ng mga taga-showbiz, super-close ang relasyon nila, isa nga ‘yun sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ng wife niya, ‘di ba?

“Parang mas binibigyan pa niya ng time ang pamilya niya, lahat ng mga kailangan ng kapatid niya, e, sinasagot niya, kaya nakakapagtaka ang demandahang pinaglalabanan nila ngayon!” napapailing pang reaksiyon ng aming source.

Araw-gabi rin sigurong pinoproblema ng male personality ang mga nagaganap sa kanilang pamilya.

Rhea Tan tinuldukan ang relasyon sa promo head

NAKAKALUNGKOT ang nangyayaring paghihiwalay sa pagitan ni Shry Valdez at ng Beautederm, ang kumpanyang naglalabas ng mga produktong pampaganda ng kutis, na pag-aari ni Ms. Rhea Tan.

Nakilala namin ang produkto sa pamamagitan ni Shry Valdez, siya ang nagdadala ng mga Beautederm products sa Take It, Per Minute… Me Ganu’n tuwing Martes nang tanghali, sa pamamagitan din ni Shry kaya nakilala namin si Ms. Rhea Tan nang ipakausap niya ito sa amin sa telepono.

Pero kalat na ngayon ang balita na wala na siya sa kumpanya, anumang transaksiyong gawin ninuman sa Beautederm sa pamamagitan ni Shyr Valdez ay hindi na pahahalagahan, malalim ang kuwentong ito.

Kilala sa pagiging generous sa kanilang mga endorsers si Ms. Rhea Tan, dinadala nito sa ibang bansa ang kanyang mga modelo at empleyado, mahilig din itong magregalo ng mga branded stuff sa mga artistang tagapag-endorso ng kanilang mga produkto.

Kung paniniwalaan namin ang mga kuwentong lumalabas ay ang hindi pagiging tapat ni Shyr Valdez bilang tagapamuno ng promosyon ng mga produkto ang naging dahilan ng lahat. Nakarating sa kumpanya ang diumano’y pagpapatong niya ng presyo sa talent fee ng mga kinukuha nilang endorsers.

Sabi ng aming kausap, “Naging honest na lang sana siya, maiintindihan naman ‘yun ng company, pero hindi niya ‘yun ginawa.

“Nalaman pa ‘yun sa iba ng owner ng company, nasaktan siya, dahil bakit nga naman kailangan pang gawin ‘yun ni Shyr samantalang sumusuweldo naman siya bilang promo head?

“Nakakapanghinayang hindi lang ang opportunity na nawala kay Shyr, mas nakakapanghinayang ang dating masayang samahan nila,” sabi ng aming impormante.

Source From:https://www.abante.com.ph/male-celeb-dinemanda-ng-sariling-pamilya-sa-pangangamkam-ng-property.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi