Male personality ‘di mana sa generous na ama

4 years ago 0 Comments

Nagtatanungan ang maraming persona­lidad kung ang kakuriputan daw ba ng isang kilalang male perso­nality ay pinaiiral niya rin sa kanyang girlfriend?

Kilalang-kilala kasi sa pagiging masinop sa pananalapi ang male perso­nality, nagmana siya sa kayang pinagmanahan, paglalarawan ng mga nakakakilala sa kanyang pagkatao.

Kuwento ng isang source, “Naku, boksingero talaga ang lalaking ‘yun! Nakakuyom ang mga palad niya! Hindi niya naman siguro tinitikis ang girlfriend niya, sa totoo lang!

“Kilala pa namang pabolosa ang girl, mahilig siyang pumorma, sinusunod kaya ng male personality ang hilig ng karelasyon niya?

“Alam n’yo naman ang lalaking ‘yun, kakambal yata ng inunan niya ang calculator nu’ng ipanganak siya, di ba? Kung hindi rin lang naman kailangan talaga, e, hindi siya naglalabas ng datung!

“Pero in fairness, kapag nagde-date naman sila, e, sa mga mamahaling restaurant sila kumakain. Post nga nang post ang girl kung saan-saan sila nagpupunta ng boyfriend niya, di ba?

“Sa pagreregalo lang sigu­ro siya pumepreno. Hindi siya katulad ng ibang boyfriend ng mga artista na sige-sige lang sa paggastos, mapasaya lang ang mahal nila,” kuwento ng nasabing source.

Hindi nakuha ng male personality na ito ang pagiging generous ng kanyang ama. Maluwag ang mga palad ng daddy niya.

“Ay, ibang klase ang father niya, hindi ‘yun kumakain nang hindi niya ibinibili ng food ang mga co-stars niya sa set. Hindi ‘yun nakuha ng male personality dahil kapag nagpapabili siya ng pagkain, e, para sa kanya lang!

“Wala namang masama du’n, napag-uusapan lang, dahil talagang masinop sa pera ang male personality. Pera niya naman ‘yun, hindi natin pera, kaya siya dapat ang masunod kung maglalabas ba siya o hindi!” pagtatapos ng aming impormante.

Laban kontra droga
PDEA ginagamit lang ang mga taga-showbiz para magpapogi?

Ang galing-galing mag-blind item ng mga taga-PDEA. Alam din siguro ng mga otoridad na napakalakas ng kaway ng pitik-bulag sa publiko, maraming mahilig manghula ng mga kababa­yan natin, kaya ang mga sinasabi nilang diumano’y sangkot na mga artista sa bisyo ng droga ay inila­lantad na lang nila sa pamamagitan ng blind item.

Nagpipista nga naman ang publiko sa panghu­hula, palaging nagtatanungan ang mga Pinoy kung sinu-sino ang mga personalidad na tinutukoy ng mga taga-PDEA. Pero kung matagal na palang nasa mga kamay nila ang listahan ay bakit ngayon lang sila nag-iingay?

Dapat ay nu’n pa, hindi ngayon lang, para naman hindi puro pahulaan lang ang nangyayari.

Hindi kami sang-ayon sa mandatory drug test. Ang bawat tao ay may iniingatang pa­ngalan at imahe, lalo na ang mga artista, kaya bakit kailangan silang manduhan para sumailalim sa drug test?

At pagkatapos nilang mapasunod,­ halimbawa na lang, ang mga nanga­ngalaga sa kanilang career ay ano ang kasunod na hakbang nilang gagawin? Ilalantad nila sa publiko ang mga pangalan ng mga personalidad na gumagamit ng droga?

Malawak ang sinasakop ng mga detalye ng mandatory drug test. Ilalabas ba nila ang resulta nu’n o itatago sa publiko? Kumaliwa at kumanan ang mga artista ay mananakawan pa rin sila ng kanilang karapatan bilang tao.

Nakatuon ngayon ang mga mata ng ating mga kababayan sa mga artista. Kasi nga ay tumuon din ang PDEA sa mga artista. Kapag mga personalidad na kasi ang sangkot, lalo na kapag sikat ang mga artista, ay napakabenta sa merkado.

Masarap gamitin sa promo.

Source From:https://www.abante.com.ph/male-personality-di-mana-sa-generous-na-ama.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi