Marami raw nagugutom at maysakit: Pagpapaseksi ni KC sa IG…

3 years ago 0 Comments

For the nth time, sinita na naman si KC Concepcion ng mga netizen dahil sa Instagram post niya na chill na chill siya habang nakahiga sa damuhan.

Para sa ibang mga fan, hindi napapanahon ang IG post na `yon ni KC, dahil maraming tao nga raw ang nagugutom, may sakit, problema dahil sa COVID-19.

“Quarantine and chill. #StayHealthy mentally and physically loves we got this,” caption ni KC.

At komento nga ni leoje808: “Don’t know if it’s proper for you to post something like this during this crucial time.”

Giit pa ni marcfinallyfoundjoan_: “true. Others are not chillin.”

At siyempre, hindi pinalampas ni KC `yon. Heto nga ang mahinahong sagot niya sa kanila.

“@leoje808 Lets just try to spread positivity because we also need to guard our mental health and take a break from negative news. You take care.”

“@joanofmarc_ Most definitely. And those who are quarantined may also suffer from depression and anxiety. So let’s support all.”

Well, kabog sila sa talino ni KC, di ba? (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/marami-raw-nagugutom-at-maysakit-pagpapaseksi-ni-kc-sa-ig-sinita-ng-mga-netizen.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi