Marian Rivera buntis ulit?

3 years ago 0 Comments

Naku, hindi kaya ang susunod na balitang baka buntis ngayon ay si Marian Rivera.

Bilang mahigit dalawang buwan na rin silang naka-lockdown ng mister na si Dingdong Dantes. May nag-message kasi sa amin at nagtatanong, “Preggy na ba sa baby number 3 si Marian?”

Tinanong namin ang nag-message kung bakit niya nasabi, kasi raw, nabibigyan ng meaning yung post ni Marian na Spanish themed-date nila ni Dingdong sa mismong bahay nila.

Kasi raw, si Dingdong, wine ang iniinom at may post si Marian na, “siyempre, water lang muna siya.” So, may mga nag-isip na baka kaya hindi ito uminom ng wine, baka buntis.

Mabilis ang isip ng netizens, pero, hindi rin naman imposibleng mangyari lalo pa nga’t mag-asawa naman sina Dingdong at Yan at alam na ng lahat na kahit isang dosena pa ang maging anak, e, ang gandang lahi, huh!

Pero tingin namin, hindi naman siguro, posibleng hindi pa agad-agad susundan ni Marian si Ziggy na kaka-one year old lang, bukod pa sa meron din siyang teleserye na baka kung hindi nag-ecq, baka pa-ere na rin.

Sadyang marami lang naiisip na paandar si Marian, sabi nga ni Dingdong sa Instagram post niya na, “Pause muna sa mga pinagkakaabalahan para makakuha ng good vibes mula sa mainam na paandar ni Misis. Gracias!” (Rose Garcia)

Source From:https://www.abante.com.ph/marian-rivera-buntis-ulit.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi