Bago ang cease and desist order sa ABS-CBN, may ilang shows sila na naka-schedule na ang online meetings sa kanilang mga artista.
Pinaghahandaan na kasi nila ang pagbabalik-taping kapag nag-end na ang ECQ (enhanced community quarantine) at magiging GCQ (general community quarantine) na at mapapayagang mag-resume na ang mga taping.
Today raw ay may online meeting sana ang cast and staff ng “Ang sa Iyo ay Akin” na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria at Maricel Soriano na dapat ay umere na noong March sa afternoon slot ng Kapamilya network.
Sabi ng isang nakatsikahan ko, sinabihan daw siya na hindi muna matutuloy ang online meeting nila.
“Hindi ko lang alam kung dahil sa pagsa-sign-off ng ABS-CBN o dahil may ibang dahilan pa,” sey ng kausap ko.
Pero marami na raw online meetings ang stars ng Kapamilya network bago pa man ang pagsa-sign-off ng nasabing TV network.
Ang mga artista, staff, crew at iba pang may kinalaman sa ABS-CBN ay umaasang magkakaroon ng resolusyon sa cease and cease and desist order ng NTC sa Kapamilya network at makakapag-sign-on uli sila at matutuloy uli ang trabaho ng napakaraming mga taong nagtatrabaho sa nasabing TV network.
***
Alonzo, Milby super chika pa rin
Ang BFF ko na si Say Alonzo ang special guest ko noong Wednesday sa Abante News Online Facebook page at Anything Goes with Jun Lalin YouTube channel.
Two years din kasi kaming nagkasama ni Say sa “Stop, Talk & Listen” sa Viva Cinema channel ng Cignal Cable, kaya sobra kaming naging close at isa nga ako sa ninong ng panganay niyang anak na si Asher.
Isa sa mga napag-usapan namin ni Say ay ang pagsa-sign-off ng ABS-CBN noong Tuesday after na mag-issue ng cease and desist order ang NTC (National Telecommunications Commission).
Alumna ng Pinoy Big Brother 1 si Say, kaya sobra rin siyang nalungkot sa pangyayari.
Sabi ni Say, hindi siya magkakaroon ng chance na pasukin ang showbiz kung hindi sa tulong ng Kapamilya network dahil sa pagkakasali nga niya sa PBB. Isa nga si Say sa umaasang muling babalik sa ere ang ABS-CBN!
Anyway, hanggang ngayon ay sobrang close pa rin si Say kay Sam Milby na nakasama niya sa PBB. Actually, noong una, pinagdudahan pa nga ang closeness nila, pero wala naman talagang romantic involvement sa kanila.
“Sobrang bait ni Sam. Ninong siya ng panganay kong si Asher, pati ng bunsong si Austin. Ngayong lockdown, madalas kaming magkausap.
“Mag-isa lang kasi siya sa condo,” kuwento ni Say.
Nagkaroon pa nga sila ng duet noon sa album ng PBB, ang “Magmahal Muli” na nag-hit talaga at for 14 weeks ay nag-number one sa music chart.
***
Catriona, Sam ‘di magdyowa
Inusisa ko si Say kung napag-usapan ba nila ni Sam ‘yung tungkol sa tsismis bago pa man mag-lockdown dahil sa COVID-19. Pinagdududahan kasi na positive si Sam sa nasabing virus.
“Oo, nagtataka rin siya. Ok na ok siya, hindi siya nagka-COVID-19. Sobrang healthy ni Sam.”
Pagdating naman sa tsikang si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang girlfriend ni Sam, ang alam daw ni Say ay close ang dalawa dahil parehong Cornerstone talents ang dalawa.
Source From:https://www.abante.com.ph/maricel-iza-jodi-teleserye-sa-dos-kanselado.htm