Mariel de Leon nagdurusa sa New York

3 years ago 0 Comments

Sobrang family-oriented din ni Mariel de Leon. Kahit nasa New York siya, palagi siyang tumatawag sa kanyang pamilya.

Nang maka-chat ko ang nanay niyang si Sandy Andolong, ikinuwento ng premyadong aktres na palagi silang nag-uusap ni Mariel.

Kuwento nga pala ni Mariel nang maka-chat ko kamakailan, halos hindi na raw siya lumalabas ng kanyang apartment sa New York.

Kung bumibili lang daw siya ng pagkain ay saka siya lumalabas, pero paminsan-minsan lang ‘yon dahil marami rin naman siyang naka-stock na pagkain.

Oo nga pala, dahil kalilipat lang niya sa solong apartment ay madalas na may mga gamit pa rin na idini-deliver kay Mariel.

Eh, lockdown din sa New York dahil doon may pinakamatinding cases ng COVID-19, walang makatulong si Mariel sa pag-aakyat ng mga idini-deliver na gamit sa kanyang apartment building.

Ang nakakaloka lang, sa 4thfloor pala ang unit niya at walang elevator.

‘Yung gamit pa naman na idinilever kay Mariel ay 50lbs, kaya ang bigat at kailangan niyang iakyat na mag-isa, kaya ang promise niya sa sarili, once na lumipat siya, sisiguraduhin niyang may elevator ang apartment building na lilipatan o kaya naman doon lang sa lower floor siya para hindi dusa!

Pero ang maganda nga kay Mariel, sanay siyang maging independent dahil kahit noong nakatira pa siya sa bahay nila sa Philippines ay hindi naman siya pa-senyorita.

***

Ruffa kinilig sa chikahan kina Kim-Xian

Ang “Love Thy Chika” ang bagong digital talk show ng Dreamscape ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal na ipinagkatiwala kay Ruffa Gutierrez. Balik-talk show hosting nga si Ruffa dahil doon.

Siyempre, happy si Ruffa dahil sa kanya nga ipinagkatiwala ang “Love Thy Chika” na ang co-stars niya sa “Love Thy Woman” ang karamihan sa mga maiinterbyu niya.

Actually, nakapag-tape na raw sila ng ilang episodes at ang reel & real life sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim ang dalawa sa mga una niyang natsika.

This weekend na raw ang launch ng “Love Thy Chika” at sa tsikahan namin ni Ruffa, parang kilig na kilig siya sa interbyung ginawa niya sa KimXi sweethearts.

Source From:https://www.abante.com.ph/mariel-de-leon-nagdurusa-sa-new-york.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi