Sumawsaw na rin sa mga hubadera sa showbiz si Maris Racal at maging ang mga kaibigan ni sa industriya ay naloka sa kanya. Nakabalandra sa Instagram ng “Pamilya Ko” star ang larawan niyang nakatalikod at lantad ang kanyang buong likod suot ang black two piece na swimsuit o underwear.
Ito ang kauna-unahang pagpapa-sexy ni Maris sa taong ito, matapos itong magpasilip ng katawan sa isang one-piece bathing suit sa shooting ng pelikula nito noon, na hindi siya ang bida.
Lumalaban na si Maris ngayon sa paangasan ng alindog sa mga kapwa nya Kapamilya star. Kaya naman maging si Nikki Valdez ay nag-comment na magdamit raw ito.
@nikkivaldez_, “Bebe, magsaplot ka!!!”
Hindi katakataka ngayong summer makikipagpaligsahan na si Maris sa kanyang kaibigang si Sue Ramirez sa pagbalandra ng bikini body nito. (Rey Pumaloy)
Source From:https://www.abante.com.ph/maris-racal-ayaw-pakabog-sa-pagiging-hubadera.htm