Marjorie mas ‘class’ kesa kay Greta

5 years ago 0 Comments

May mga netizens na nakaka­pansin na tila malaki raw ang pinagbago ni Claudine Barretto ngayon. Kumpara raw kasi dati na madalas ay may kaaway o may pinapatulan itong kaaway sa mga social media post niya, ngayon daw ay parang “at peace” lang ito.

Kahit na magkasama sila ng nakabatian na kapatid na si Gretchen Barretto, ang huli ang napapansin ng netizens na tila ang daming “angst” sa buhay.

Natuwa ang ilang netizens sa nababasa naming comments sa huling Instagram Live ni Claudine kunsaan, nilinaw lang niya sa lahat ang maling isyu raw na kumakalat na may utang siya sa misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Na as we all know by now na pinatotohanan naman nga ni Jinkee na wala.

Kitang-kita kasi sa naturang IG Live na inuudyukan ni Gretchen si Claudine na sabihin na natin kung sino ang nagkakalat na may utang siya. Smile lang si Claudine at hindi sinunod ang ate niya.

Pero hindi nagpapigil si Gretchen at sa reply nito sa isang follower ay sinabi rin ang pangalan ng kaalitan na kapatid na diumano’y si Marjorie Barretto raw.
Hindi pinapatulan ni Marjorie si Gretchen. Kaya nakatatanggap din ng positibong comments si Marjorie sa netizen sa hindi nito pagpatol. She’s showing “class” daw.

Si Claudine naman, sabi ng isang comment sa isang blog post, “In fairness to Claudine ha…. before sobrang mang-away yan pag may naninira sa kanya kuda doon kuda dito… As in diba She gets tactless l… ngayon she’s So calm na and She Never mentioned majorie…. nag bago na nga si ate Claudine!”

“Si Clau nag mature ang paguugali. Si Greta nagmumurang kamatis naman. Tsk tsk.”

May nabasa naman kaming nag-comment na baka kaya raw nag-mellow na si Claudine dahil may balita raw na interesado itong kunin muli ng ABS-CBN kaya maingat na sa ­image niya.

Z-Pop gaya-gaya sa K-Pop?

Nag-materialize na ang isa sa proyekto ni Grace Lee in partnership with VIVA. Si Grace ang CEO ng Glimmer. Sila ang partner ng Z-Pop sa bansa with its founder, K Pop showbiz visionary­ and Zenith Media Contents Chief Executive Office Jun Kang.

Ipinakilala nga sa media ang Z-Pop that composed of seven members each of Z Girls and Z Boys. Pinagsama-sama rito ang pitong Asian countries in one girl and boy group.

Napili ang tig-isang girl at boy mula sa iba’t-ibang bansa sa Asia at may seven years management contract sila sa Zenith Media.

Masuwerte ang former member ng Pop Girls group na si Carlyn Ocampo dahil siya ang napili nang magpa-audition sa Pilipinas noong 2018. Si Josh Bautista naman na dating G-Force dancer sa mga lalaki. Kasama nila ang iba pang miyembro tulad nina Vanya (Indonesia), Queen (Vietnam), Bell (Thailand), Joanne (Taiwan) Priyanka (India) ar Mahiro (Japan sa Z Girls.

Kasama naman ni Josh sa Z Boys sina Roy (Vietnam), Mavin (Indonesia), Blink (Thailand), Perry (Taiwan), Sid (India) at Gai (Japan).

Nilinaw nila na hindi sila K-pop, but Z-Pop, sila ‘yung mga idols na kabilang sa Generation Z, born after 1995 at ang pinaka-goal nila is “One Asia.”

Napansin namin na very much ins­pired ng K-pop ang Z-Pop, bukod pa sa ang nag-train din sa kanila ay mga mga trainees from Korea at sa Seoul din sila nag-undergo ng training, pero walang trainee mula sa Korea.

Ang CEO na si Jun Kang ang sumagot sa tanong namin, talaga raw sinadya nilang walang Korean trainee sa grupo kahit na ang Korea ay bahagi rin ng Asia. Sey niya, “We want to give chance to other and develop other ta­lents from Asia. K-pop is already there, they’re already big.”

Nagkaroon na ng successful debut ang Z-Pop sa Korea noong February 23 through their “Z-Pop Dream Live in Seoul.” Sa ‘Pinas, mapapanood sila nang live ngayong araw na ito sa Sta. Lucia Mall ng 3pm, Venice Piazza at 6pm. Bukas naman, March 31 at 3pm sa SM Dasmariñas at sa SM Sucat ng 6pm.

Special guest din siya sa CR3W concert nina James Reid, Billy Crawford at Sam Concepcion sa Smart Araneta on April 5.

Source From:https://www.abante.com.ph/marjorie-mas-class-kesa-kay-greta.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi