Hindi sinayang ni Marlo Mortel ang enhanced home quarantine, dahil heto nga at nakapagsulat siya ng bagong kanta. Ipinost na ni Marlo sa kanyang You Tube account ang sinulat na dalawang kanta.
Yung isa, ang title, “Seri’s Song.” Kung isa ka sa mga nanood ng k-drama na Crash Landing On You, magkakaroon agad ng recall ang title ng kanta dahil ang Seri ay pangalan ng bidang babae sa CLOY na si Son Ye Jin.
Napakinggan namin ang kanta at masasabi naming ang galing ng pagkakagawa ni Marlo. To think na sa bahay niya lang ito ginawa at ni-record. Aminado itong inspired sa love story nina Seri at Captain Ri ang kanta.
Aniya, “Crush ko si Seri, Hehe!”
Bukod dito, naisulat din niya ang kantang “Mayakap Kang Muli) na inspired naman ng I Love You Since 1892).
Inamin ni Marlo na “I wrote this for all #ILYS1892
%23ILYS1892 – YouTube
Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the wor…
fans! Thank you for loving Juanito Alfonso & Carmela Isabella.”
At saka niya binati ang original ka-loveteam na si Janella Salvador at kunsaan, dine-dedicate raw niya ang kanta. Nag-birthday si Janella noong March 30.
Sey ni Marlo, “I also dedicate this song to our real-life Binibini, Happy Birthday Janella!”
Siyempre, kinikilig naman ang mga fan ng dalawa. (Rose Garcia)
Source From:https://www.abante.com.ph/marlo-mortel-gustong-mayakap-muli-si-janella-salvador.htm