Mas guwapo, mas macho, mas astig at mas mayaman (na may Instagram account na @Ja1mecamara), ang ipinalit kay Daniel Matsunaga ng dati niyang kasintahang modelo, ang Polish model na si Karolina Pisarek.
Nagposte si Karolina ng larawan niya na naka-facemask at kadikit ng katawan niya ang isang lalake.
Magka-holding hands ang dalawa sa airport ng Los Angeles, kung saan may flight sila pabalik ng Poland, matapos ma-lockdown sa US.
Base sa personal information sa kanyang IG, JC ang name ng current boyfriend ni Karolina. Isa itong dating Race Car Driver, Helicopter Pilot at nasa mundo ng business, investments, finance.
Sa mga post ng lalaki, bongga ang lifestyle nito; may mga party sa yate, dinner sa mamahaling restaurant at mahilig sa F1 races.
Ang circle of friends nito ay gaya niyang mayaman din na collector ng mga luxury cars at big bikes gaya ng Ferrari.
Hanggang ngayon wala pa ring ibinabahaging rason si Daniel sa break-up nila ng nasabing modelo. Pero kung sa yaman din lang ang paguusapan, mas loaded ang ipinalit sa kanya ng kanyang ex.
Doris Bigornia nag-trending dahil sa mga pusa
Nag-trending si Doris Bigornia dahil sa mga alaga niyang pusa. Nagpasalin-salin sa iba’t ibang social media account ang video live chat reporting ni Doris habang may mga pusa sa likod niya na gumagawa ng eksena.
Agaw-pansin ang mga pusa sa likod ng news reporter na tila naghaharutan o naga-away. Alam ni Doris ang kaganapan ng dalawang pusa sa kanyang likod.
Hindi magawang sawayin ni Doris ang mga alaga, dahil masisira ang diskarte niya sa serious reporting.
Tawang-tawa na lang si Doris sa mga nag-comment sa kanya.
Lolo ni Awra namatay sa sakit sa puso
Inulan ng pakikiramay ang batang aktor na si Awra Briguela nang iposte niya ang kamay ng kanyang Lolo sa Instagram. Nagluluksa nga si Awra sa pagkamatay ng kanyang Lolo sanhi ng atake sa puso.
Mahaba ang caption na sinulat ni Awra sa post niya, na nagpapahayag ng mga masasaya niyang ala-ala sa kanyang lolo, na tinatawag nyang tatay.
Ayon kay Awra, malaki ang naging bahagi sa kanyang buhay ng lolo niya, na tumanggap sa kanyang kabaklaan. Pilay na nga raw ang isa sa mga pangarap ni Awra para sa lahat ng kanyang mga mahal sa buhay dahil sa pagyao ng matanda.
Jhong Hilario ginawang barbero ng ama
Tagumpay para kay Jhong Hilario ang serbisyong ginawa niya sa kanyang ama nitong mga nakalipas na araw. Pinoste ng “It’s Showtime” host ang ilang mga larawan nang paggupit niya sa buhok ng ama.
Kinabahan daw siya sa simula dahil first time niya. Natakot din ang Makati City Councilor na baka pumalpak ang paggupit niya at
magalit ang tatay niya.
Sa huling frame ng mga pinosteng larawan, masisilip na maayos ang pagkakagupit ni Jhong sa buhok ng ama, na itinuturing niyang big achievement sa panahon ng crisis.
Source From:https://www.abante.com.ph/mas-mayaman-macho-daniel-walang-panama-sa-bagong-dyowa-ni-karolina.htm