Matinding init, naitala sa Batangas; publiko, pinag-iingat

5 years ago 0 Comments

MAYNILA – Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mataas na heat index sa Batangas Linggo.

Sa tala ng PAGASA, umabot sa 45.5 degrees Celsius ang heat index sa kanilang istasyon sa Ambulong, Batangas.

Ito ang pinakamataas na heat index na naitala para sa araw na iyon.

Sa tala ng PAGASA, umabot sa 53.7 degrees Celsius ang heat index sa Laoag City noong Marso 16, at 48.2 degrees Celsius naman sa Dagupan City noong Abril 3, ayon kay weather specialist Meliton Guzman.

Payo ni Health Secretary Francisco Duque, mahalagang uminom ng mula walo hanggang 12 baso ng tubig para maiwasan ang dehydration.

Kapag na-dehydrate ang isang tao, maaari itong maging sanhi ng mas malalang kundisyon tulad ng heat exhaustion at heat stroke, na maaaring ikamatay.

"Heat exhaustion muna, tapos heat stroke. Ang heat stroke, more than 40 degrees Celsius ang lagnat," paliwanag ni Duque.

"Kapag na-dehydrate, apektado ang organs," dagdag pa niya.

Payo rin ni Duque, umiwas sa direktang sikat ng araw mula 9 a.m. hanggang 5 p.m. 

Kung hindi umano maiiwasan ang paglabas sa ganitong mga oras, mahalagang gumamit ng sunblock at magdala ng payong.

Ayon kay Duque, mas delikado para sa matatanda ang mainit na panahon.

"Pilitin silang uminom ng tubig dahil kapag tumatanda, hindi na nila ma-process ang uhaw dahil lumiliit ang utak nila," paliwanag ni Duque.

Bukod sa matatanda, pinag-iingat rin ang mga bata sa epekto ng matinding init.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/04/08/19/matinding-init-naitala-sa-batangas-publiko-pinag-iingat

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi