Matteo kinilig sa harana ni Sarah

4 years ago 0 Comments

Ramdam na ramdam ang kilig kay Matteo Guidicelli sa ginawang panghaharana sa kanya ng dyowa niyang si Sarah Geronimo, pagkatapos ng graduation rites niya bilang Scout Ranger last week, ha!

Ngayon nga lang naglalabasan ang mga video na kung saan ay kinantahan pala ni Sarah si Matteo sa harap ng maraming tao, pagkatapos ng graduation. At makikitang abot-tenga ang mga ngiti ni Matteo, at akmang ninakawan pa ng halik ang dyowa niya, na siyempre ay pa-cute naman na umiwas si Sarah, ha!
Pero ang mga fan, halos maihi sa sobrang sa galawan ng dalawa.

“Haroooot! Kakafirst monthsary lang ganon?” say ng kanilang fan.
dvictorio63 “These 2 made our hearts beat so fast love ashmatt forever.”
dellanneyy “They both have beautiful soul. Ang cuteeeee.”

el_hombre_odia “My favorite couple among of all the loveteam here in the Philippines.”

ann_christie12 “Di naman masyadong halata na masaya sila noh?”
p.paulette_ “@juliaadiariesmagkamukha na sila haha.

Pero, ang tanong nga ng marami, kailan pakakasal sina Sarah at Matteo? Aba, mauunahan pa sila nina Angel locsin, Neil Arce. At baka maunahan pa sila nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ha!
Well… (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/matteo-kinilig-sa-harana-ni-sarah.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi