Maymay, Edward magpapakilig sa ‘When We Fall In love’

3 years ago 0 Comments

Apl.De.Ap balik sa The Voice Teens

Sunod-sunod na puro mga bago at malalaking programa ang handog ng ABS-CBN sa pagbubukas ng 2020, kasama na ang mga teleseryeng pagbibidahan ng mga pinakasikat na bituin, pagbabalik ng minahal na reality-singing competition, at inaaba­ngang Asian dramas.

Matapos ang mahigit sa isang taon na paghihintay ng kanilang mga tagahanga, nakatakda na ngang magbalik-TV ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil ngayong Enero sa pag-uumpisa ng kanilang seryeng “Make It With You” na kinunan sa Croatia.

Matutunghayan din sa Enero ang pagsasama-sama ng mga aktor­ mula sa iba’t ibang henerasyon na bibigyang buhay ang kuwento ng mga huwarang sundalo sa “A Soldier’s Heart,” na pinangungu­nahan nina Gerald Anderson, Nash Aguas, Yves Flores, Elmo Ma­galona, Vin Abrenica, Jerome Ponce, at Carlo Aquino.
Dalawang bagong Asian drama rin ang mapapanood simula Enero, kabilang ang most awarded nitong 2019 na “Yang Xi” at “Flower Crew Dating Agency” na pinagbibidahan ng South ­Korean actor at rapper na si Kim Min-jae.

Mag-uumpisa naman sa Pebrero sa pagbabalik ng reality-singing­ competition na “The Voice Teens,” kung saan muling sasabak ang international star na si Apl.De.Ap bilang isa sa coaches.

Tampok naman sa Marso ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber na kakikiligan sa kanilang unang teleserye na “When We Fall In Love” na kinunan sa bansang Japan.

Vic payag na mag-ninong sa kasal
kina Maine, Arjo

“Sino ba ako para tumanggi? Si­yempre, hindi ko tatanggihan yan,” ang sagot ni Bossing Vic Sotto sa balita ng Abantelliling sa kanya na type siyang kunin ni Maine Mendoza na maging ninong sa kasal niya, kahit kanino man siya magpakasal, kay Arjo Atayde man, or sa iba, balang araw.

Pero sey niya, hindi raw siya nakikialam, o nagtatanong sa rela­syon ni Maine kay Arjo. Hanggang konting tsikahan daw sila, dahil si Maine nga raw, medyo mahiyain pa rin, kahit matagal na silang magkakilala.

Pero, ang maganda raw sa kanila ni Maine, may instant rapport daw sila, na kapag nag-roll na ang camera, bigla silang parang nagiging mag-ama talaga.
Pero, sa pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity, medyo nanibago raw siya sa role nila ni Maine. Hindi rin daw nagpatawa si Maine, pero bilib na bilib daw siya sa husay umarte ng dalaga.

Siyempre, bilib na bilib din si Bossing sa kontrabida niyang si Jose Manalo, na napaka­husay raw na artista ­talaga.

Source From:https://www.abante.com.ph/maymay-edward-magpapakilig-sa-when-we-fall-in-love.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi