Maymay kaagaw ni Kathryn kay Alden?

4 years ago 0 Comments

Ang happy-happy ni ­Maymay Entrata na nag-number 1 sa Twitter ang episode niya sa “Maalaala Mo Kaya,” na umabot pa ng mahigit isang milyon ang tweets, ha!

Ang bongga lang na ­sobrang naging aktibo ang mga Twitter fan ni Maymay, na ginawa talaga nila ang lahat para humamig ng mahigit isang milyon ang pa-hashtag nila, ha!

Tuwang-tuwa rin si Maymay sa direktor nilang si John Lapus sa MMK, dahil kahit daw nakakaiyak ang mga eksena, kapag sumigaw na ito ng cut ay nagtatawanan na sila.

“Walang signal sa taping namin sa Pangasinan, kaya hindi ako nakakapag-update,” sabi ni Maymay.

Tuwang-tuwa rin si Maymay na nakilala niya si Judith, ang Aeta na ginampanan niya ang ­buhay sa MMK.

“Nakakatuwa siya. Lalo na mga ka-tribo ni ­Judith, kasi pareho ang pinagdaanan namin. Sobrang humble niya, matalino siyang babae, at naki­ta ko sa mga mata niya na talagang palaban at may pangarap siya, kaya kahit ano ang sinasabi ng mga nanunukso sa kanya, hindi siya nagpapadala, dahil may pangarap siya,” saad pa ni Maymay.

Excited na rin si Maymay na magpunta ng Hong Kong at magsyuting kasama sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
“Malapit na kaming pumunta sa Hong Kong, baka next week na. Sobrang happy ako na makakatrabaho ko ulit si Miss Kathryn at first time ko makaka­trabaho si Sir Alden.”

Naku, siya ba ang kaagaw ni Kathryn kay ­Alden? Bongga!

Source From:https://www.abante.com.ph/maymay-kaagaw-ni-kathryn-kay-alden.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi