Maynilad-MVP nagmulta pero hugas-kamay sa water shortage

3 years ago 0 Comments

BABAYARAN na ng Maynilad Water Services Inc. ang multang ipinataw dito ng Metropolitan Water Sewe­rage System pero sinabi nitong ang pagbabayad ay para magpakita ng magandang loob at hindi pag-amin na may ginawa itong mali.

Ayon sa MWSS kahapon, sumulat ang Maynilad sa kanila noong Hulyo 3, para sabihing handa na itong bayaran ang multang ipinataw ng MWSS board of trustees. Ang Maynilad ay pag-aari ng mga Consunji ng DMCI at ni Manny V. Pangi­linan ng Metro Pacific Corp.

“In a letter da­ted July 3, 2019, the Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) conveyed readiness to comply with the financial penalties imposed by the Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS) Board of Trustees (BOT) as a gesture of goodwill but without any admission of guilt,” sabi ng MWSS regulatory office kahapon.

Pinagmulta ang Maynilad dahil hindi nito nagampanan ang service obligation nito ayon sa concession agreement, particular na ang pagbigay ng 24/7 tubig sa barangay Captain Albert Aguilar sa Las Piñas City nitong May. Mahigit 15 araw nawalan ng tubig ang barangay CAA na mapanganib na para sa kalusugan ng mga tao doon.

Ang multang ipinataw ay P2,500 sa bawat tahanan o koneksyon sa Maynilad na dapat ibawas sa magiging bayarin simula sa August billing at ibabawas hanggang sa maisauli na lahat sa kostumer.

Dagdag pa ng MWSS regulatory office, tutulong ito sa implementasyon ng refund at tiniyak nila sa mga konsyumer na ginagawa nito ang lahat para sila protektahan.

“The MWSS RO will facilitate the implementation of the rebate to all affected customers as soon as possible and would like to assure the public that it is doing everything in its power to protect their inte­rest,” sabi nito. (Eileen Mencias)

Source From:https://www.abante.com.ph/maynilad-mvp-nagmulta-pero-hugas-kamay-sa-water-shortage.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi