Mayor Baldo pinaaresto ng korte sa kasong pagpatay

4 years ago 0 Comments

IPINADADAKIP na ng korte si suspended Daraga, Albay Mayor Carlwin Baldo dahil sa isinampang patong-patong na kaso laban dito kaugnay ng pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe at aide nito.

Sa ngayon ay hawak na ng Albay Police Provincial Office (PPO) ang warrant of arrest laban kay Mayor Baldo na inilabas ng Legazpi City Regional Trial Court (RTC) Branch 10 kaugnay sa double murder case kay Rep. Batocabe at police aide nitong si Police Master Sergeant Orlando Diaz.

Ayon kay Albay PPO Chief Police Colonel Wilson Asueta, kasalukuyan na nilang tinutunton ang kinaroroonan ni Baldo upang isilbi ang warrant of arrest laban dito.

Bukod sa double murder ay nahaharap din sa anim na frustrated murder si Mayor Baldo dahil sa pagkasugat ng anim na senior citizen na nada-may at tinamaan ng ligaw na bala ng maganap ang pamamaslang.

Matatandaang naganap ang krimen noong Dis-yembre 22 nang hapon sa Daraga covered court sa Brgy. Burgos ng nasabing bayan matapos na pagbabarilin umano ng mga tauhan ni Baldo si Batocabe at police aide na si Diaz sa isinagawang gift giving para sa mga senior citizen ng bayan.

Si Batocabe ay makakalaban sana ni Baldo sa Mayo-ralty post ng Daraga, Albay na ngayon ay pinalitan ng kanyang asawa na si Gertie Duran Batocabe.

Samantala anim na mga tauhan ni Baldo ang nadakip ng pulisya at umamin ang mga ito na ang alkalde ang mastermind ng pamamaslang kapalit umano ng limang milyong piso para sa trabaho. Nagbigay umano ng halagang P250,000 si Baldo sa grupo upang pambili ng mga kakailanganing baril. (Edwin Balasa)

Source From:https://www.abante.com.ph/mayor-baldo-pinaaresto-ng-korte-sa-kasong-pagpatay.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi