Mayor Isko katakam-takam kay Alex

4 years ago 0 Comments

Maraming fan ang naka-relate sa aktres na si Alex Gonzaga sa kanyang post sa Twitter kamakailan tungkol sa pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Bida kasi ngayon sa mga balita ang pagbabagong isinatupad ni Isko sa Maynila tulad ng maagang pagkansela sa klase at pagpapalinis ng ilang bahagi ng Maynila na medyo makalat.

Kaya naman binigyang pansin ito ni Alex at inihayag sa Twitter ang paghanga kay Mayor Isko.

“Ako lang ba or mas lalong gumugwapo si Mayor Isko sa mata ko dahil sa mga ginagawa nya sa Manila,” sabi ni Alex sa kanyang Twitter.

Agad namang lumobo sa libu-libong like at re-tweet ang naturang tweet ng aktres. Heto nga ang reply nila:

“Ako rin mamshie!! Mahal ko na ata si Mayor @IskoMoreno,” reply ng isa sa mga fan.

“Ate Cat, samin na si Mayor Isko, may Councilor Mikee ka na eh. HAHAHA,” sabi naman ng isang fan. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/mayor-isko-katakam-takam-kay-alex.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi