Mayor na kinasuhan sa fake news rumesbak

3 years ago 0 Comments

Magsasampa rin ng kaso si Noveleta Mayor Dino Reyes-Chua laban kay Cavite City Mayor Bernardo ‘Totie’ Paredes dahil sa alegasyong pagpapakalat ng pekeng balita sa kasagsagan ng COVID-19 outbreak.

Ang away ng dalawang alkalde ng magkatabing bayan sa Cavite ay nangyari sa gitna ng malaking krisis na kinakaharap ng bansa partikular sa kanilang lalawigan.

“Isang malaking kahihiyan ito sa aming mga Caviteno, na sa halip na magkaisa at magtulungan sa oras ng krisis ay sila-sila ang nagkakagulo,” pahayag ng isang dating prinsipal ng Cavite City na ngayon ay naninirahan sa bayan ng Noveleta.

Matatandaang kinasuhan sa pangunguna ni Mayor Paredes sa PNP Regional Anti Cyber Crime Unit (RACU) si Mayor Chua sa di umano’y pagpapakalat nito ng fake news tungkol sa isang pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Base sa reklamo, isang kasulukuyang empleyado ni Paredes ang diumanong umamin na siya daw ang creator at dating administrator ng fake account sa social media.

“Kung pagbabatayan ang kanilang reklamo, ang sinasabi nilang admin na gumawa ng fake account ay tauhan nila sa City Hall at isang close-in security ng kanilang pamilya. Bakit niya ibibintang sa akin ito. Dapat siya ang makasuhan dito ,” pahayag ni Chua.

“Dahil sa ginawa nilang pagpaparatang sa akin, natural lamang na ipagtanggol at linisin ko ang aking pangalan, Masyado na kaming abala para sa sarili naming bayan para isisi pa nila sa akin ang kapalpakan nila,” ani Chua.

Ilan sa mga kasong nakatakdang isampa ni Chua kay Paredes at mga kasama nito ay perjury at kasong libelo.

Sa kabila nito, nanawagan pa rin si Chua kay Paredes sa pamamagitan ng isang video sa social media at nagpahayag ng kalungkutan dahil sa nangyari sa halip na pagtutulungan at pagkakaisa para sa ikabubuti ng kani-kanilang nasasakupan.

Source From:https://www.abante.com.ph/mayor-na-kinasuhan-sa-fake-news-rumesbak.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi