Mayor sa Negros Occidental, itinurong mastermind sa ambush…

4 years ago 0 Comments

DIREKTANG itinuro ni Moises Padilla Vice Mayor Ella Celestina Garcia-Yulo si Mayor Magdaleno ‘Magsie’ Peña na siya umanong mastermind sa pana­nambang sa kanilang convoy kamaka­lawa nang tanghali na ikinamatay ng kanyang kapatid na dating punong barangay at pamangkin na incumbent councilor.

Nabatid na kasama rin ang bise alkalde sa convoy na dumaan sa Hacienda Dresden, Barangay Inolingan ngunit nakatakbo ito at nagtago sa bahay malapit sa ambush site kaya’t nakaligtas.

Naniniwala si VM Yulo na siya ang target ng pang-aambus. Dahil sakay sa unang sasakyan sina Councilor Michael Garcia at tiyuhin na si Mark Garcia, sila ang napatay ng mga suspek. Nagkataong sakay umano siya ng pa­ngatlong sasakyan.

Naging emosyunal si Yulo sa pagsakripisyo ng kanyang kapatid at pamangkin upang sila ay makaligtas.

Ayon sa bise alkalde, marami ang tama ng konsehal na dati ring punong barangay at may tama rin sa ulo.

Giit ni Yulo na si Peña ang umano’y mastermind sa krimen dahil nakita ng kanyang security team ang mukha ng ilang suspek at natukoy na miyembro ito ng local guards ng alkalde.

Ayon sa opisyal, hindi nakasuot ng bonnet ang ilang suspek ngunit may suot na bullet proof vest.

Si Peña ay tiyuhin ni Yulo at kasama silang tumakbo sa 2016 elections ngunit magkalaban ang mga ito sa mayoralty race ngayong 2019 elections.

Kahapon nang hapon, dalawang indibidwal ang inimbitahan ng Moises Padilla Municipal Police Station para sa kuwestiyunin kasunod ng hot pursuit operations. (Edwin Balasa)

Source From:https://www.abante.com.ph/mayor-sa-negros-occidental-itinurong-mastermind-sa-ambush-sa-vice-mayor-councilor.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi