Mayoralty candidate sa Abra inasunto sa pananampal

3 years ago 0 Comments

NAHAHARAP sa kaso ang isang ma­yoralty candidate ng Bangued, Abra dahil umano sa pananampal ng tatlong residente ng nasabing bayan noong Miyerkoles.

Kinilala ni Bangued Municipal Police Station (BMPS) chief-of-police P/Major Dominador de Guzman, ang suspek na si dating Bangued mayo­r Ryan Luna, tatakbo bilang alkalde ng nasabing bayan sa nalalapit na eleksyon.

Nangyari ang insidente sa harap ng bahay ni Bangbangar, Bangued, Abra Barangay Chairman Loreno Laureta. Kinilala ang mga biktima na sina Drexell Festejo Bermudez, 40-anyos; Rolly Benosa Bernardez, 46, at Jayrome Berras Bello, 32.

Sa inisyal na imbestigasyon, sina Bermudez, Bernadez at Bello ay na­ngangampanya umano para sa kalaban ni Luna sa politika na si re-electionist Mayor Dominick Valera.

Nagpang-abot ang mga biktima at suspek hanggang sa biglang pagsasampalin ni Luna ang tatlong bitkima at kinuha ang bag ng mga ito na may lamang cellphone na hindi na ibinalik hanggang sa kasalukuyan.

Nabatid na si Luna ay re-electionist mayor noong ipinaaresto noong 2013 dahil sa pinaniniwalaang koneksyon umano nito sa pagpatay kay Brenda Crisologo, asawa ni Tineg, Abra Mayo­r Edward Crisologo noong 2007.

Nakapagpiyansa si Luna bago ang campaign season para sa 2016 elections at tumakbo sa pagka-bise gobernador ngunit natalo ito.

Hindi makontak si Luna upang hingan sana ng reaksyon sa nasabing akusasyon laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Source From:https://www.abante.com.ph/mayoralty-candidate-sa-abra-inasunto-sa-pananampal.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi