Kung maraming nagulat sa electricity billing na pinadala sa kanila ng Meralco, billing naman para sa P19.126 bilyon ang binigay ng isang consumer group sa kompanya ni Manuel V. Pangilinan para sa mga refund na hindi pa nito isinasauli simula pa noong 2003 kasama na ang interes.
Sabi ng Power for People Coalition o P4P, in-email nila ang billing sa Meralco Corporate Office bilang sagot sa mga bill na ipinadala nito sa mga kustomer kahit hindi pa dapat.
“The amount concerns all Meralco payables due to consumers that the company has not paid. These payables come in the form of refunds ordered by the Supreme Court and the Energy Regulatory Commission,” sabi ni P4P convenor Gerry Arances.
Masigasig na sinagot ng Meralco ang mga katanungan sa mga lumalaking billing ng kanilang mga kustomer ngayong panahon ng enhanced community quarantine ngunit hindi pa ito umiimik tungkol sa isyu ng refund.
“Meralco must be fair and transparent on what consumers owe them, and consumers will be transparent on what Meralco owes them. By retaining the money of consumers, Meralco has been able to use the money in its cash flows and extract more profit from it, while making it difficult for the rightful owners of the funds to claim them,” sabi ni Arances.
Sa sinisingil na P19.126 bilyong refund sa Meralco, sinama na ng P4P ang 12% na interes kada taon, maliban na lang para sa 2019 at 2020 na mga inutos na refund. Ang mga 2019 at 2020 na refund ay 6% lamang ang interes na sinisingil base sa itinakda na rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ang interes ay ang penalty ng Meralco sa pagpapatagal ng pagsauli ng pera ng kanilang mga kustomer, paliwanag ng P4P. (Eileen Mencias)
Source From:https://www.abante.com.ph/meralco-mvp-siningil-sa-p19b-refund.htm