Metro Manila isasailalim sa mas maluwag na quarantine simula Hunyo 1

3 years ago 0 Comments

MAYNILA — Nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes na ilagay na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula Hunyo 1, o higit 2 buwan matapos ang mahigpit na quarantine sa rehiyon para makontra ang pagkalat ng COVID-19. 

Sa isang public address sa internet, sinabi ni Duterte na bukod sa Metro Manila, GCQ din ang ipatutupad sa region 2, 3, 4A, at mga lalawigan ng Pangasinan at Albay. 

Sa ilalim ng GCQ, magbubukas na ang karamihan ng industriya maliban sa iilan, at papayagan na rin ang ilang uri ng public transportation. 

Sa ngayon ay hindi pa binanggit ni Duterte kung ano ang magiging uri ng quarantine na ipatutupad sa Cebu City. 

Samantala, lahat ng bahagi ng bansa ay nasa modified GCQ na lamang o isang hakbang bago ang "new normal."

Nitong Huwebes ay naitala ng Department of Health ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw, dahilan para pumalo sa 15,588 ang kabuuang nagpositibo sa bansa.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/05/28/20/metro-manila-isasailalim-sa-mas-maluwag-na-quarantine-simula-hunyo-1

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi