Mga artistang Pinoy natakot sa pagkamatay ni Godfrey Gao

3 years ago 0 Comments

Alam mo, Dondon, natakot talaga ako nang mabasa ko ‘yung pag-collapse at pagkamatay ng Taiwanese-Canadian actor and supermodel na si Godfrey Gao noong Wednesday habang ginagawa ang sports reality show na “Chase Me” sa China.

Kung titingnan mo ang hitsura ni Godfrey bago siya namatay ay mukhang very healthy naman ang first Asian na naging “face” of Louis Vuitton.

Sudden cardiac death nga raw ang nangyari kay Godfrey.

Ipinadala ko sa ilang close friends (kasama ang ilang mga artista) ang new report tungkol sa nangyari kay Godfrey at marami sa kanila ang natakot.

Isang aktor nga na kaliwa’t kanan ang showbiz commitment ngayon ang nagsabing, “Nakakatakot! Kailangan ko na na magpa-general check-up to be sure!”

Always remember, health is wealth!

Ruffa, Eddie, Assunta, Jana super hagulgol sa sinehan

Naiyak ka rin ba, Dondon, sa “Unbreakable” movie nina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Angelica Panganiban nang manood ka sa pa-block screening ko noong Wednesday sa Podium Director’s Club Cinema?

Naku, alam ng mga nanood doon, grabe, naiyak talaga ako! Pati nga ang PBA Phoenix Willy Wilson ay naiyak, huh!

Ang mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice, parehong mugto ang mga mata. Sabi ng nanay nila, the last time raw na naiyak ang mga anak sa panonood ng pelikula ay noong “The How’s of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Siyempre, emotional din si Ruffa. Grabe ang iyak niya.

Si Eddie Gutierrez naman, hindi pa nakakapagpunas ng luha nang mainterbyu ko for Abante News Online show ko na ipapalabas on Monday, 2:00PM.

Kinongratulate nga ni Tito Eddie si Richard dahil sa performance ng anak sa “Unbreakable”.

Sina Jana Victoria, Jef Gaitan at Miho Nishida ay pare-parehong naiyak din.

Si Jana nga, nag-dialogue pa na naagawan ng boyfriend ng isa niyang kaibigan.

‘Kaloka!

Si Assunta de Rossi, mugto rin ang mga mata.

“Ang ganda ng ‘Unbreakable’, ang friends ko na nagpunta at kasama kong nanood, gandang-ganda rin!” sey niya.

Nanood din si Cindy Miranda ng pa-block screening ko ng “Unbreakable”. Naiyak din ang beauty queen/actress.

Biniro ko nga ang iba sa kanila na mabuti at hindi nagbaha sa loob ng cinema 3 ng Podium dahil sa kaiiyak nila. Hahaha!

Pero, Dondon, super cry rin ako at feeling emotional after mapanood ang “Unbreakable”.

Pero in fairness, ang ganda ng ending ng “Unbreakable”, na hindi ko iri-reveal at kailangang panoorin ng readers natin!

Ang bongga lalo na at almost 10 million pesos ang opening day gross ng “Unbreakable” na ikinatuwa ng stars ng pelikula.

Sabi naman ng iba pang mga nakasama kong nanood ng “Unbreakable”, uulitin nila ang pelikula!

Si Richard, from Podium, sinamahan ng nanay niyang si Annabelle Rama at dumeretso sila sa Power Plant Mall at saka nag-S Maison Mall at pinasalamatan naman ang mga nanood sa pa-block screenings sa mga lugar na ‘yon.

Ogie walang kapaguran

Bilib din ako sa kasipagan ni Ogie Alcasid. Kahit kasi may jet lag pa, maagang gumising kahapon para makapag-live guesting sa “Magandang Buhay”.

Siyempre, gusto rin naman ni Ogie na mai-promote ang “Ogie and The Hurados 2” na sa Sunday na sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Eh, noong Wednesday na ka-text ko si Ogie, nasa rehearsal daw siya.

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi