Mga atleta, coach hindi pababayaan

3 years ago 0 Comments

KAHIT pansamantalang ipinasara ang mga pasilidad, patuloy pa rin ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagtulong sa mga national athlete.

Sinabihan ni Chairman William Ramirez ang mga opisyales ng ahensiya na ituloy ang walang humpay na serbisyo para sa atleta.
“These are extraordinary times which call for extraordinary
commitment and service from all of us,” paliwanag ni Ramirez.

Inatasan niya ang kanyang mga opisyales na ipagpatuloy ang pagbigay ng assistance sa mga natitirang athlete at coach na nasa PhilSports Complex sa Pasig City.

Nakaraan lamang inanunsyo ng PSC ang lockdown ng dalawang major facilities na nasa Manila (Rizal Memorial Sports Complex) at Pasig City (PhilSports Complex).

Sinabihan ang lahat ng mga atleta na pansamantalang umuwi muna sa kanilang pamilya.

Ang nasabing hakbang ng PSC ay para mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga atleta.

“The remaining athletes who were unable to do so, have been accommodated at the PhilSports dormitory, they will be provided with food, recreation facilities and medical monitoring,” saad ni Ramirez.

“We all increase our susceptibility when we go out of our homes, but we also know that there are very basic services that we need to deliver. I appreciate the sacrifice of our officers and staff to brave the risk to work on these things. Ito talagang para sa inang bayan,” hayag pa ni Ramirez. (Elech Dawa)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-atleta-coach-hindi-pababayaan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi