Mga bagong mayor may karapatang pumili ng chief of police —…

4 years ago 0 Comments

PAGBIBIGYAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga bagong upong local chief executive na mamili ng itatalagang Chief of Police (COP) sa kanilang nasasakupang bayan o lungsod.

Sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na sa ilalim ng batas, may kapangyarihan ang mga mayor na mamili ng hepe na mamumuno sa kanilang nasasakupan.

Inaasahan na rin daw nila ito dahil normal nang nagpapalit ang mga COP kapag nagpalit na ng mayor.

Paliwanag ni Albayalde, sakaling hindi gusto ng bagong upong mayor ang naabutan n’yang COP, maaari silang makipag-ugnayan sa PNP at sila naman ay magbibigay ng listahan na puwede nilang pagpilian. Nilinaw naman ni Albayalde na hindi kasama rito ang mga mayor na kasama sa narcolist at tinanggalan na ng police power ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“Well that is expected. Sabi nga ni Atty Casurao (Napolcom vice chairman) covered by law ‘yung authority nila to choose among the recommendees and expected naman natin ‘yan kapag may bagong halal o uupo na mga local chief executives,we expect na talagang ‘yung inabutan nila na chief of police lalo na kung bago ito hindi reelected we expect na talagang mamimili sya ng kanyang chief o police o provincial commander and tayo naman ay nirerespeto natin ‘yung kanilang authority,” paliwanag ni Albayalde.

Nilinaw naman ni Albayalde, sakaling mag-request ang mga bagong halal na mayor ay kinakailangang kuwalipikado at hindi puwedeng under rank doon sa puwesto dahil mayroong mga kuwalipikasyon na kailangang tugmaan ng mga hepe o provincial commander. (Edwin Balasa)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-bagong-mayor-may-karapatang-pumili-ng-chief-of-police-pnp.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi