Mga bangkay ng COVID-19 victim tinambak sa truck

3 years ago 0 Comments

Dahil sa reklamo ng mga residente sa masangsang na amoy, natuklasan ng mga pulis ang patong-patong na bangkay ng mga nasawing pasyente dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa mga delivery truck na nakaparada sa isang punerarya sa Brooklyn, New York City.

Bukod dito, natuklasan din ng mga awtoridad ang hindi magandang kondisyon ng mga bangkay sa loob ng Cleckley funeral services.

Nagkalat diumano sa sahig ng punenarya ang iba pang mga bangkay.

Ayon sa New York Police Department, may tumatagas ng likido mula sa mga bangkay na pinagmumulan ng masangsang na amoy. Aabot sa 60 bangkay ang natuklsan ng mga awtoridad sa naturang funeral homes na nasa hindi magandang kundisyon.

Kinondena ng mga community leader sa Brooklyn ang walang respetong pagtrato ng funeral homes sa naturang mga bangkay.

Ayon kay Brooklyn Borough President Eric Adams, hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagtrato ng funeral homes sa kawawang bangkay ng mga biktima.

Pero paliwang ng may-ari ng purenarya, dadalhin na daw dapat sa crematorium ang naturang mga bangkay pero hindi daw sumipot ang driver na siyang magdadala nito sa crematorium.

Sumama na sa imbestigasyon ang departement of health at medical examiner upang tingnan kung may kapabayaan ba ang may-ari ng funeral homes.

Problemado ang mga funeral homes sa New York dahil sa kakulangan ng crematorium kaya madaming bangkay na namatay sa COVID-19 ang nakatambak ngayon sa mga punenarya habang naghihintay ng schedule ng cremation.

Ayon sa pamilya ng mga namatayan na ayaw na magbangit ng pangalan, aabot sa dalawa hanggang mahigit sa isang buwan ang hihintayin bago ma-cremate ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay na nasa storage ng mortuary. (Dave Llavanes Jr.)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-bangkay-ng-covid-19-victim-tinambak-sa-truck.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi