Mga basher kay Vice: Sana malaos, mamatay ka na

3 years ago 0 Comments

Araw-araw ay may mga gustong pumatay kay Vice Ganda at meron ding gustong malusaw ang kanyang career hanggang sa malaos siya. Araw-araw ay may mga nakakasakit-damdaming komento hindi lang sa kanyang pagiging komedyante kundi lalo na sa kanyang itsura.

Ito ang ibinahagi ng “It’s Showtime” host sa kanyang tweet nitong nakaraang araw tungkol sa mga taong galit at hindi pabor sa kanyang existence sa showbiz.

Nasasaktan si Vice sa mga panlalait at pagmumura sa kanya ng marami sa social media, pero ayon sa kanya ay hindi siya bibitaw para lang sa mga ito.

“Every single day I got bashed. Everyday may mga nagwi-wish na malaos ako. Meron pa ngang nagwi-wish na mamatay ako e. Di lang isa. Madami. Masakit. Pero nagpapakatatag ako…” sabi ni Vice.

Hindi raw papayag si Vice na mawala lahat ng kanyang mga pinaghirapan dahil lang sa mga masasakit na salitang ipinupukol sa kanya.

“Sayang naman ang mga sinimulan ko at nakamit na tagumpay kung ngayon pa ako susuko,” saad pa niya. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-basher-kay-vice-sana-malaos-mamatay-ka-na.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi