Mga basher natameme kay Nadine

3 years ago 0 Comments

Wala kaming duda na naging hit ang world premiere ng bagong two-in-one talent competition ng ABS-CBN na “Your Moment” dahil sa mataas na rating na nakuha ng pilot episodes nito noong weekend. Kung akala ng iba ay kagaya lang ito sa “Pilipinas Got Talent”, masasabi naming iba ang execution ng show, given na pareho itong may song at dance performances na tampok ang iba’t ibang acts, mapa-duo, trio, o grupo man.

Pero ang standout moments din para sa amin ay ang pagkukumento ni Nadine Lustre bilang bahagi ng panel of judges kasama sina Billy Crawford at Boy Abunda. Although nagsilbi nang judge si Nadine sa iba’t ibang kumpetisyon gaya ng Miss Manila, Miss Q and A at Bidaman sa “It’s Showtime,” at Bb. Pilipinas, ito ang unang TV show kung saan purely talent ang huhusgahan niya.

And we must say, hindi kami na-disappoint. Siyempre, alam naman naming malaki ang fan base ni Nadine at for sure linggo-linggo silang tututok sa “Your Moment”. Pero kahit ang hindi die-hard fans ng dalaga, bumibilib sa kanya dahil napakamalaman ng comments niya. Mararamdaman mong hindi siya nagtitipid sa pagsasalita at binubuhos niya ang utak at puso niya sa pagbabahagi ng feedback na babaunin ng bawat act.

Bilang isang dating miyembro ng girl group, singer, dancer, at overall sold out concert performer, alam niya ang sinasabi niya at para bang kuha niya ang sentimyento ng isang ordinaryong manonood.

Ito lamang ang ilan sa tweets na nakita namin na pinupuri ang “Your Moment” judge:

“Nadine did well For a first timer judge sa big talent show like Your Moment,” sabi ni @chelz_myka.

Sabi naman ni @Ruby19542, “Your Moment showcases brilliant and smart opinions, and Nadine has that. Everytime she was asked what her opinion was, she was always on point and gave a smart answer.”

Ayon naman kay @iamshae18, “Napakahusay mag-judge ni Nadine!!! I feel like celebrating with a triumphant heart. I am so proud of you love! the world shall witness how brilliant and excellent you are!”

Kaya tuloy tikom ang bibig ngayon ng ibang nam-bash sa kanya nang piliin siyang maging judge sa show. Kaya ang masasabi namin, at maraming netizens ang sang-ayon dito: Tamang-tama lang ang naging desisyon ng ABS-CBN management na pilliin siyang judge para sa napakalaking franchise na ito. (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/mga-basher-natameme-1kay-nadine.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi